HUWAG NA HUWAG daw iintrigahin na mas sikat at in-demand na ngayon si Alex Gonzaga kaysa nakatatanda niyang kapatid na si Toni.
Hinding-hindi raw ito magugustuhan ng magkakapatid na totoong mahal na mahal ang isa’t isa, lalung-lalo na ng Mommy Pinty at Daddy Carlito nila. Pero sa dalas ng pagpihit ko ng TV sa Chan. 5, araw-araw ko ring nahuhuli si Alex na nagho-host ng Juicy with IC Mendoza, nagko-comedy with Empoy Marquez, and John Estrada, not to mention dancing it out with the cast which include Valeen Montenegro with some of ABS and GMA’s starlets. Araw-araw ngang nakabalandra ang kanyang mukha na okey namang pang-alis ng umay sa show ng dalawang pangunahing network.
Si Toni naman, nahuhuli ko rin tuwing Sabado sa Entertainment Live, at ASAP din pala. Pero hindi tulad ng Mondays through Fridays niyang pagho-host kapag mayroong Pinoy Big Brother. Naudlot pa ang pelikulang pagsasamahan sana nila nina Vhong Navarro with Kim Chiu and Gerald Anderson. Hayan, nasa cast na tuloy si Kim ng teleseryeng tinatampukan din nina Gabby Concepcion, Jericho Rosales, Kristine Hermosa at Lorna Tolentino. Ganu’n din si Gerald na isasama rin sa isang teleserye without kim.
Iyon na nga, wala pang nababalitaan na project ni Toni o Vhong na makakapalit ng nawalang movie.
I’m sure, sasabihin ni Toni na she’s very happy for her younger sister. Afterall, she was responsible for Alex first taste of a billboard na parami na nang parami ngayon.
Buti na lang at may Paul Soriano siyang umaaliw sa kanya at tuwang-tuwa naman dahil nabibigyan na siya ng mahaba-habang oras ni Toni na madalas, every Mondays through Fridays. Tuwing Sabado at Linggo na lang kasi ang trabaho, ‘di ba?
MARAMI ANG NAHIWAGAAN sa biglang “pagkamatay” ng character ni Madam Helen Gamboa sa teleseryeng Tayong Dalawa. Hindi yata nakahanda ang mga televiewers sa bigla niyang pagkawala sa itinuturing na No. 1 serye ng Kapamilya station.
Siya pa naman ang idolo ng mga pa-class na socialites na hangang-hanga sa kanya, dahil nabigyan niya ng kakaibang portrayal ang kanyang kontrabida role.
May ibang version din at tiyak na magpapainit ng ulo ni Madam Helen kapag nakarating sa kanyang kaalaman. Umalis daw siya patungong States to join her daughter Ciara, dahil nami-miss na niya ito. Parang sinasabing inabandona niya ang teleserye, not considering the effect it will give the management and televiewers.
A little bird told this columnist na nakita niya si Madam Helen na dumalo sa Independence Day celebration sa Malacañang noong June 12. Meaning, naririto siya sa bansa. Paano raw niya susundan si Ciara, eh nakatakda na itong bumalik ng bansa anytime.
Sisihin ba si Madam Helen sa bigla niyang paglaho sa seryeng totoong hinangaan niya at pinahalagahan. Tuloy, bumagsak daw ang rating nito, from more than 40% to mere 29% na lang.
BULL Chit!
by Chit Ramos