TWO WEDNESDAYS ago ay nakita namin sa bakuran ng ABS-CBN si Mariel Rodriguez na nagmamadali papunta raw sa kanyang five o’clock meeting with Direk Lauren Dyogi na isa sa mga business unit heads ng naturang network.
Grabe raw ang traffic sa EDSA mula sa bagong tahanan nila ng kanyang asawa na si Robin Padilla sa Multinational Village sa Parañaque City na inabot ng more than two hours.
We heard, binalak na raw sumakay ng MRT ni Mariel para huwag lang ma-late sa kanyang meeting. Buti na lang daw ay 10 minutes late lang ang TV host-actress, pero nanakbo pa rin ito pagbaba ng sasakyan papasok ng ABS entrance hanggang sa makarating ito sa meeting room.
Hudyat na kaya ito ng pagbabalik-Kapamilya ni Mariel matapos ang noontime show na kinabilangan nito with Willie Revillame na Wowowillie sa TV5 last month.
Kung sa bagay, ang alam namin ay walang kontrata ang misis ni Robin sa Kapuso Network.
Ibabalik kaya ni Direk Lauren si Mariel bilang isa sa mga hosts ng Pinoy Big Brother (PBB) regular edition na napag-alaman naming muling eere in March next year, ayon sa kauna-unahong celebrity endorser ng LeDonne shoes at main host ng PBB na si Toni Gonzaga.
Nang maka-tsika namin ang Multi-Media Star sa pictorial nito sa pinakabagong n’yang endorsement, hindi pa raw n’ya alam kung magbabalik si Mariel sa Kapamilya Network partikular sa PBB kasama sina Bianca Gonzalez at Robi Domingo bilang mga co-host.
Kung magkagano’n man ay walang problema para kay Toni kung makakasama n’ya muli si Mariel sa naturang show, kahit nagkaroon ang dalawa ng maliit na issue nang tawagin diumano ng huli ang una ng duling na naayos din kinalaunan.
Basta, masayang-masaya pa rin hanggang ngayon si Toni sa takbo ng kanyang karera, dahil sa kanyang bagong TV project na Home Sweetie Home opposite John Lloyd Cruz na ipalalabas every weekend.
Hindi pa lang sure ni Toni (palayaw ni Toni mula sa pangalang Celestine) kung every Saturday o Sunday night daw ang airing ng kanilang sitcom ni JLC.
Kahit daw nu’ng bago sila mag-umpisa mag-taping ay hindi nila alam kung ang bagong programa nila ng aktor ang ipapalit sa sitcom nina Angel Locsin, Vhong Navarro at Ai-Ai delas Alas na Toda Max na nag-last taping na nu’ng Tuesday sa The Greenery Resort sa Baliuag, Bulacan, kung saan hindi na nakasama ang nag-iisang Comedy Queen, dahil nasa Amerika since last Sunday ito for a series of shows, bukod sa bakasyon on the side para mag-bonding muli sila ng kanyang apat na mga anak.
Dapat sana ay two Tuesdays ago pa raw ang last taping day ng Toda Max, kaya lang ay na-confine daw sa Philippine Heart Center si Ai-Ai, ayon sa matalik nitong kaibigan na si Direk Malu Sevilla na direktor ng naturang sitcom, dahil sa asthma kung saan magkasunod pa silang nagpa-check up nu’ng araw na ipina-confine ng parehong doktor nila ang komedyana.
Going back to Toni, kasalukuyan pa rin daw silang nagsi-shooting ng kanilang movie nina Iza Calzado at Piolo Pascual na ipalalabas sa darating na February next year na ang direktor ay si Olivia Lamasan na matagal nang pangarap makatrabaho nito sa pelikula.
First time din daw makatrabaho ni Toni si Papa P sa movie, gano’n din si Iza na parehong napakagaling daw.
Franz 2 U
by Francis Simeon