CATCH HER IF she falls: Muling lumipad pa-L.A. si Ara para dumalo sa paanyaya ng Commissioner ng Carson City na si Jun Guray, na together with Toni Gonzaga and Vice Ganda, gagawaran ng plake ng pagkilala, bilang adopted daughters and son ng nasabing lungsod.
Sina Ara at Toni lang ang nakarating sa Hacienda United Methodist Church kung saan ito ginanap dahil nagbakasyon sa New York si Vice Ganda.
Tuwang-tuwa ang nasabing kongregasyon kay Ara. Dahil marami sa kanila ang tagahanga pala ng Dapat Ka Bang Mahalin kung saan ginampanan ni Ara ang papel na ginampanan noon ni Chanda Romero sa big screen.
Ilang mga tao lang ang naringgan ko ng medyo pagtatampo kay Toni dahil diumano, parang ang suplada raw ng dating nito. To think nga naman na ito ang kanilang kapanalig eh, hinanapan nila ito ng kahit konting warmth man lang sa pakikipagkita nito sa kanila.
Ipinaliwanag ko naman sa mga tao na baka harassed lang si Toni dahil that night din ang dating ng kanyang Mommy Pinty at sister Alex from the Philippines at ito ang sasalubong sa kanila. Kaya siguro hindi rin mapakali si Toni.
May mga nakakita rin daw kasi sa Seafood City, kung saan pareho silang nag-autograph signing ni Ara ng sinasabing kasupladitahan ng nasabing host-singer, kung saan ni-request lang nila na alisin lang nito ang kanyang sunglass para naman makita nila ang kagandahan nito eh, hindi pa ra sila pinagbigyan.
Hindi naiaalis na maikumpara tuloy ang dalawang magkasama sa ilang shows doon. Kaya ang clamor nila sa mga producers, ibalik daw uli sa mga darating pang shows doon sina Ara at Vice Ganda!
Sinabihan ko na rin lang ang ilan sa kanila na huwag namang maging unfair sa ibang artists dahil hindi naman din natin nalalaman ang ma tunay nilang saloobin.
You win some, you lose some!
IT’S RAINING…IT’S pouring: Nang ganapin ang Gay Pride sa Market St. sa San Francisco noong Linggo, dumagsa roon ang mga turista at lahat na ‘ata ng kabadingan mula sa iba’t ibang lupalop ng mundo.
Tawa nang tawa ang mga hosts ng Edna’s Ichiban-The Library na si Andrew de Real dahil hindi raw nila talaga na-miss sa nasabing parade ang komedyanteng si Chokoleit.
Talagang hindi raw! Kasi nga hitsura ng parrot ang kulay ng kasuotan ni Chokey, kaya nang-agaw ito talaga ng eksena sa pagrampa nila sa Market bago sila dumirecho sa Castro St. kinagabihan.
Nag-abot pa kami ni Chokey sa Edna’s Ichiban kinagabihan. Kahit tapos na ang show ni Ara nang dumating sila ng kanyang tropa.
“Siguro, BFF, patuloy akong sinusubaybayan ngayon ni Mama ko. Kasi, ito ang gustong-gusto niya noon pa na marating ko. ‘Yung makapagbigay pa rin ako ng aliw sa mga tao, lalo na sa ibang malalayong lugar na tulad ng Amerika. Eh, hindi lang Amerika ang narating ko na, pati Europa. God has been so good to me. Kaya, every now and then, binabalik-balikan ko ‘yung mga naging paalala n’yo sa akin noon nu’ng pasaway ako. ‘Eto, nagbubunga na.”
The Pillar
by Pilar Mateo