‘PAG NAPAPASARAP ng kwento sa harap ng maraming press si Coco Martin ay hindi niya namamalayan na nadadalas din siya ng dayalog ng, “Sabi ko nga.”
Biniro ko tuloy ang manager niyang si Mareng Biboy Arboleda sa presscon ng Juan dela Cruz na, “Mare, naka-88 na si Coco sa kasasabi ng, ‘Sabi ko nga.’
“Mare, pwede ko na bang itanong sa kanya kung kanino niya talaga sinabi?”
Nag-aapiran na lang kami ni Biboy. But ser-iously, super happy kami sa kumpare naming si Coco dahil ang layo na talaga ng kanyang narating.
Sa February 4 na ang Juan dela Cruz pagkatapos ng TV Patrol.
AND SPEAKING of TV Patrol, meron lang kaming suggestion. Sana, bago mag-wind up or bago magpaalam ang mga news presenter na sina Kabayan Noli de Castro, Korina Sanchez at Ted Failon, kung wala rin lang wawa ang mga opinyon nila eh, paalam na sila agad para hindi nade-delay ‘yung mga susunod na teleserye.
Pero kung bahagi na ng programa ang pagbibigay nila ng opinion sa huli ay wala rin namang problema.
Sana lang, kikintal sa isipan ng mga manonood ang iiwanan nilang opinyon.
Suggestion lang naman. Pero kung mali kami sa opinyon namin eh, pasensiya na.
ANO NA ba’ng nangyari kay Toni Gonzaga? Parang “nananahimik” ang kanyang career.
Choice niya bang manahimik at makuntento na lamang sa ASAP 18 at The Buzz o wala lang talagang dumarating pang show na babagay sa kanya?
Ba’t kaya hindi na lang muna siya umarte sa teleserye para hindi siya makalimutan at hindi ‘yung every Sunday lang siya napapanood?
O, choice lang talaga ni Toni na mag-mellow?
Ayaw naman naming isiping pinaghahandaan na niya ang paglagay sa tahimik dahil siya ay ____ na?
Si Luis Manzano, merong everyday Minute to Win it, meron pang Kapamilya Deal Or No Deal at meron pang darating na season ng Pilipinas Got Talent.
Si Toni kaya, kelan?
Oh My G!
by Ogie Diaz