NANANAHIMIK sa social media ang Multimedia Star na si Toni Gonzaga, pero hindi pa rin siya tinatantanan ng mga bashers amidst the CoVid-19 pandemic. May mga netizens kasi na tinitira siya dahil diumano’y hindi ito tumutulong sa mga mahihirap na nangangailangan ng ayuda sa mga maykaya.
Kung hindi kami nagkakamali ay nag-upload ang nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga ng isang vlog kung saan nagrerepack sila ng kanyang pamilya ng mga relief goods na ipapamigay sa mga kapus-palad. Noong April 4 ay nagbahagi ng isang reflective image si Toni sa kanyang IG stories at may ilan na naman na netizens na ‘na-offend’ rito at kung anu-ano na ang mga akusasyong binanggit laban sa aktres. Kesyo hindi raw ito nagbabahagi ng kanyang blessings compared sa mas nakababatang kapatid na kahit na palaging nagtitrending in positive and negative reasons ay tuloy-tuloy lang ito sa pagtulong.
Hindi na namin ilalagay dito ang full post ng nasabing basher, pero masasabi namin na hindi deserve ni Toni ang mga mura na ibinato sa kanya. Sinagot na lang ito ng aktres at ipinaliwanag na hindi niya kailangang i-post lahat sa social media ang mga pagtulong na ginagawa niya.
“so much hate in your heart. I hope the lockdown will make u reflect on how you speak to others. I NEVER broadcast the help we give. I don’t need your validation and praise for it.
“Some people can work and help in silence. Respect that. Not everything is publicized like how u want it.”
Pahabol pa ni Toni sa basher: “After washing your hands today wash your mouth also. It badly needs it.”
Sa ngayon ay deleted na ang nasabing post sa Instagram feed ni Toni. Sa totoo lang, hindi naman obligado si Toni na tumulong sa ibang tao dahil hindi naman siya public official. Oo, mas nakakaangat siya sa buhay, pero hindi ba pwede na mas priority lang niya ngayon ang pagiging ina at asawa kaya hindi siya nakikita na tumutulong in action? Hindi rin natin alam kung siya ay tumutulong in a private way. Hindi naman kasi lahat ay dapat na ipinopost sa social media. Kung minsan nga, may mga personalities na medyo off ang todong pagpopost ng kanilang pagtulong na laging may photo-op bago magbigay ng ayuda sa kapwa.
Sana ngayong Holy Week ay magmuni-muni muna ang mga taong mahilig magkalat ng negativity sa internet. Challenging na nga para sa lahat ang Enhanced Community Quarantine na ito tapos mas papabigatin niyo pa? NAKAKALOKA!