TODAY DIN ANG kaarawan ni Ruffa Gutierrez gaya ng natsismis sa kanyang si John Lloyd Cruz.
Noong isang gabi, nagkaroon na siya ng surprise birthday treat from her close friends at naging emosyonal pa ito dahil muli niyang napatunayan na marami talaga ang nagmamahal sa kanya.
Pero gaano kaya katotoo ang tsikang dinedma raw nito ang pagbating ipinahatid ng dating asawang si Yilmaz Bektas? Well, magandang senyales na nga iyan ng maayos na pag-move on, though ayon sa tsikadorang source namin, hinayaan naman nitong makausap ng mga anak ang kanilang ama.
Hay, naku baka kung saan pa mapunta ang tsismis na ito at basain pa ako ng mga anik-anik na emote, hahaha! Here’s simply greeting Rufing a happy, happy birthday at sa mga taga-San Juan at sa lahat ng lugar na may feast day ni St. John the Baptist, happy fiesta rin po!
MEANWHILE, NAKAKAPANGILABOT NAMAN ang ibinalita sa TV Patrol noong isang gabi hinggil sa naging huling pag-uusap ng pinaslang na kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda at ng anak nito.
Hindi man kami eksperto sa pag-analisa ng mga domestic at marital problems, madali naming masasabi na may malaki itong papel sa pagkamatay ng kapatid ng aktres.
Dapat lang talagang busisiin ng mga awtoridad at mabigyan ng wastong hustisya ang pagkamatay nito na matagal din namang ipinaglalaban ng pamilya nina Rochelle.
Kahit hindi na nga aktibo sa showbiz ang dating beauty-queen, very grateful pa rin ito sa mga taga-industriya dahil nabibigyan ng pansin ang kanilang isyu.
Nakikipanalangin po kami sa agarang pagkakaloob ng hustisya sa kanilang pamilya.
TINAWAGAN KAMI NG kaibigan naming si Major Jun Dimayuga sa Camp Crame para hingin ang tulong naming makontak si Precious Lara Quigaman.
Siya at si Tonton Guierrez kasi ang napili nilang bigyan ng parangal at papuri sa darating na July 6 kaugnay ng grand kick-off ceremony of police community relations month celebration.
Bibigyan nila ng rekognisyon ang mahusay nilang mga portrayal bilang mga pulis sa pinag-uusapan pa ring seryeng May Bukas Pa. “We are recognizing them (individuals and organizations) for their invaluable contribution who are advocating and projecting a good image of the police, thus providing a positive impact to the public,” ang laman pa ng mensahe ng kaibigan namin.
Mabilis naman naming nakontak ang beauty-queen-actress (salamat kapatid na Ogie Diaz), at positibo naman nitong tinanggap ang nasabing imbitasyon.
This is the second time na nakabalita kami ng mga aktor at aktres nating binigyan ng parangal ng hanay ng militar dahil sa kanilang mga ‘roles’ sa teleserye. Nauna na nga rito sina Jake Cuenca at Gerald Anderson, at ngayon nga ay sina Tonton at Precious Lara. Pagpapatunay lamang na bonggang-bongga ngang nakakaapekto nang maganda ang mga pagganap nila.
Mabuhay kayo at salamat din sa mga kapulisan!
Showbiz Ambus
by Ambet Nabus