NAMEMELIGRO NA maging huling taon na ang paglalabas ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival dahil binitawan ng businessman na si Tony Boy Cojuangco ang pagbibigay ng subsidy na cash sa entries na sasali.
Naiintindihan naman ito ni Direk Jose Javier Reyes. Aniya, “Unfortunely kasi, kapag government, mas maano ang red tape, ‘di ba? Siyempre, kaban ng bayan ang ginagamit, ‘di ba? Lalo na ngayon, ang daming kumukuwestiyon kung paano ginagasta ang pera ng tax payer, hirap sila.
“Like this year, ang hirap ng disbursement. Kasi ang laki ng P500,000 na paggawa ng pelikula. Hirap sila. Hirap din sila kasi dati, at this time, may screeners na na-distribute na sa mga jurors. Ngayon, wala pa.
“Naiintindihan ko kung bakit ginib-ap ni Tony. Nagkulang ‘yung marketing nila, eh. That’s not enough to do that. Kailangang may arm ka na nagbebenta. Sana mayroon pa next year at sana may isang pilantropo rin na mag-finance ng Cinemalaya, ‘di ba?”
So, goodbye na sa Cinemalaya na tanggapin man o hindi, ‘di naman talaga klik sa ating bansa na kadalasan nga nagkakamit ng karangalan sa ibang bansa pero wa-epek naman sa mga Pinoy moviegoer.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo