IS MR. Tony Calvento more than a respected print and broadcast journalist kundi isa ring “propeta”?
In his post sa kanyang Facebook page gabi ng Biyernes, April 25, Mr. Calvento (na kumpare pala ni Lolit Solis who’s the godmother of his two kids) “prophesied” that before sunset the following day (Saturday), ang ilang suspek na nahaharap sa kasong serious illegal detention filed by Vhong Navarro “will fall.”
True enough, dakong alas onse y kinse ng umaga in Oras town in Eastern Samar kinabukasan, trader Cedric Lee and alleged cohort Zimmer Raz—na nahaharap din sa kasong grave coercion—fell into the hands of the authorities.
Marami sa ating mga mamamahayag—even covering the showbiz beat—chronicle the sequence of events mula nang bugbugin si Vhong noong January 22 all the way to the latest developments.
But if there’s one media person na ayon nga sa Startalk host na si Butch Francisco is obviously “one step ahead” ng lahat ng mga kaganapan sa kaso, ‘yun ay walang iba kundi si Ginoong Tony Calvento.
And we will not contest that.
Sa dapat sana’y mauunsiyami nang live phone patch interview kay Sir Tony in last Sunday’s episode of Startalk (hindi raw kasi siya pinahintulutan ni DOJ Secretary Leila de Lima), the program’s interview with him finally hit the airwaves.
As a figure of speech, parang palay na kasing lumalapit sa manok na si Calvento ang mga balita tungkol sa itinatakbo ng kaso with nary a journalistic effort.
Well, “blame” it on this guy’s credibility as well as respectability that has spawned a network of highly placed connections kung kaya’t ayon nga sa kanyang pabirong pangongorek kay Butch, “Correction please, Butch… I’m two steps ahead.”
Pero pang-iintriga ng kanyang Kumareng Lolit, “Nakooo, ang layu-layo ng bahay niya, ‘no! Dusa talaga nu’ng nag-anak ako sa binyag ng anak niya! Pero lab ko ‘yang Tony na ‘yan!”
ANOTHER FUN-FILLED edition of Picture! Picture! awaits the game show junkies this Saturday.
Ang mga celebrity contestants kasi ay “multi-sectoral”: Bela Padilla represents her peers in the serious drama department, kinakatawan naman ni Mark Bautista ang mga theatre singer-performers samantalang pambato naman ng larangan ng pagpapatawa sina Patricia Ysmael at Gian Terry, ‘yung chimimay ni Regine Velasquez sa Sarap Diva.
Why the assortment of guests who will battle it out sa ngalan ng kalahating milyong piso? Ito’y para naman makita ng publiko ang kakayahan ng mga artista in an intellectual yet light program as it is highly entertaining.
Kaya ang standard na tanong: who among Mark, Patricia, Gian and Mark will come home richer by half a million pesos? Eh, ‘di abangan n’yo, ‘no!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III