Tony Labrusca, bibinyagan bilang movie actor sa ‘ML’ ng Cinemalaya

Tony Labrusca

FIRST movie ni Tony Labrusca ang entry sa 2018 Cinemalaya Film Festival  na ML (short for Martial Law). Sa kanyang debut film ay makakasama niya ang beteranong actor-director na si Eddie Garcia.

 “Kinabahan talaga ako,  pero parang short lang yung feeling na yon.  After, mas na-amaze ako sa lahat ng mga eksena na ginagawa namin,” lahad  ni Tony.

Patuloy ng binata,  “Talagang super helpful siya. He’s such a great actor who’s really  in the moment in all the scenes, so that I can really draw that emotion from him.

“He’s the man, he’s a legend.  The fact that I was able to work with him, I’m such a new actor.  It was such a humbling experience for me, and I have to admit, I was very intimidated.”

Mukhang sa acting na talaga nalilinya si Tony at hindi sa singing kung saan una siyang nagsimula as one of the finalists ng Pinoy Band Superstar.

“I honestly believe na God has a plan for everybody. Meron tayong destiny siguro. Tsaka wala, eh,  yon talaga yung plan Niya para sa akin, na my first movie would be this.

“So, lahat na lang ng opportunities na binibigay ni Lord sa akin tinatanggap ko at saka gusto kong alagaan at gawin yung best ko,” rason ng aktor.

Ipapalabas ang ML on Aug. 3-12 sa CCP Theaters and select Ayala Cinemas (Trinoma, Glorietta, Greenbelt 1, UP Town Center, and Legazpi Cinema in Bicol).

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleNathalie Hart, 4 na buwang buntis!
Next articleBUGOY CARINO, PINAIIWAS SA “BUNTISAN ISSUE”

No posts to display