AYON sa aming source, wala ang girl na Immigration officer na nagpo-post ng kung anu-ano sa kanyang Facebook account about Tony Labrusca do’n sa loob ng NAIA office habang kinakausap ang aktor ng Immigration officer.
Dagdag pa ng aming source, “Saan niya nakuha yung mga pinost niya na sumisigaw si Tony at naging rude. Wala naman siya do’n sa office.”
After a while ay dinilete din ng girl from the Immigration ang kanyang post.
“Kung totoo ang sinasabi niya, bakit kaiIangan niyang i-delete? Dapat pinanindigan niya, di ba?” komento pa ng aming source.
Kahit nadiin na si Tony sa airport incident at katakut-takot na pamba-bash na ang natanggap ay buong giting pa rin siyang humingi ng paumanhin sa nangyari. Pero iginiit niya na hindi niya tinawag na “stupid” or “idiot” ang kahit sinong Immigration officers.
“It was very upsetting for me. And I’m sorry that I somehow took my frustrations out on the Officer. But never did I ever call anyone stupid, nor an idiot much less brag about being a celebrity,” sabi pa niya.
From our source pa rin, matagal nang nag-apply si Tony para magkaroon ng working visa (dahil nga American citizen siya and he only holds a tourist visa) pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito.
Personally, ilang beses na naming nainterbyu si Tony at hindi naman namin siya kinakitaan ng pagka-arogante or any attitude problem. Wala rin kaming nabalitaan na nag-inarte siya sa tapings or shooting ng kanyang mga projects.
I believe na hindi naman makakaapekto sa career ni Tony ang pangyayari. Masyado lang naging judgmental ang marami without investigating and listening to Tony’s side kaya nag-akala sila na rude talaga ang binata.
La Boka
by Leo Bukas