HINDI isyu kay Tony Labrusca kung pagpantasyahan man ng mga bading at babae ang kanyang magandang pangangatawan.
“You’re only human, right? I mean… so whatever. We all have those thoughts. Kung wala kang ganun na thoughts baka alien ka,” reaksyon ng binata.
In the movies kaya ba niyang magpakita rin ng katawan?
Sagot ni Tony, “To be honest, nakausap ko si Joem Bascon about that. Sabi ko, parang hindi ko nakikita sa sarili ko na masyadong mag-bold. Sabi niya, ‘Bro, aabot ka sa time na magga-ganyan ka din, mag-iiba yung ano mo.’ So, sabi ko, I just won’t close my door, you know what I mean.
“But for now, I’m just focus on the work that has been given to me. I mean, kaka-start ko lang, baby pa lang ako dito sa industriyang ito.”
Samantala, wala pa kaming balita kung may bagong teleseryeng gagawin si Tony sa ABS-CBN. Huli siyang napanood sa La Luna Sangre nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa pelikula naman, napanood si Tony sa Cinemalaya film na ML (Martial Law).
La Boka
by Leo Bukas