NAGTAPOS NA ang panghapong seryeng Pyra: Ang Babaeng Apoy sa Siyete. Ito ay pinagbidahan ng baguhang si Thea Tolentino at sinuportahan ng mga kilalang artista tulad nina Ryan Eigenmann, Gladys Reyes, Angelu de Leon at Roxanne Guinoo.
Isa nang proud mom ang Star Circle Quest graduate na si Roxanne Guinoo, pero laking gulat ng lahat nang i-announce sa publiko na siya ang gaganap bilang nanay ni Pyra. In real life ay 27 years old lamang si Roxanne at reasonable naman na bigyan siya ng mother role, pero nanay ng isang teenager? Sandali lang ha?
Natapos na rin ang Mundo Mo’y Akin ng GMA na nag-hit naman sa masa. Nakakaloka lang na nanay nina Lauren Young at Louise delos Reyes ang dating magkalaban sa primetime na sina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz. Isali na rin natin ang pagiging nanay ni Jolina Magdangal sa napaka-guwapong si Alden Richards. Ilang taon sila nanganak, ten?
Si Yasmien Kurdi rin ang gumanap bilang nanay nina Kristal Reyes, Joyce Ching at Barbie Forteza sa Anna KareNina. Okey lang na noong umpisa ng istorya ay siya ang gumanap bilang Maggie, ang nawawalang heredera. Pero ‘yung siya mismo ang nanay pa rin sa kanilang teen years? Hindi naman ‘ata fantasy series iyon para forever young ang peg nina Ate. Ang kontrbida rin sa programa na si Valerie Concepcion ay isang dalagang ina in real-life, pero nearing 20’s na rin ang kunwariang anak niya sa show.
Napapansin namin na ‘trending’ sa Kapuso network ang pabata nang pabata ang mga nanay. Ito ba ay nakabubuti o hindi? Ano sa tingin n’yo, mga kaparazzi?
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club