PINANGALANAN na ang 10 pelikulang pasok sa kauna-unanahang online Metro Manila Film Festival sa pamamagitan ng isang virtual mediacon na ginanap nitong November 24, 2 p.m. Ginawang online ang 2020 MMFF dahil sa nararanasang pandemic ng bansa kung saan hindi pa pinapayagang manood ang mga tao sa sinehan.
Narito ang kompletong listahan ng Top 10 MMFF movie para na ipapalabas online simula December 25, araw ng Pasko.
1. MAGIKLAND (adventure-fantasy) – directed by Christian Acuña, starring Miggs Cuaderno, Elijah Aleto, Joshua Eugenio, Princess Aliyah Rabara, and all-star supporting actors
2. COMING HOME (drama) – directed by Adolfo Alix, Jr., starring Jinggoy Estrada, Sylvia Sanchez, Martin Del Rosario, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, etc.
3. THE MISSING (horror) – directed by Easy Ferrer, starring Ritz Azul, Joseph Marco, and Miles Ocampo
4. TAGPUAN (romance-drama) – directed by Mac Alejandre, starring Alfred Vargas, Iza Calzado, and Shaina Magdayao
5. ISA PANG BAHAGHARI (drama) — directed by Joel Lamangan, starring Superstar Nora Aunor, Phillip Salvador, Michael De Mesa, Zanjoe Marrudo, Joseph Marco, Sanya Lopez, etc.
6. SUAREZ, THE HEALING PRIEST (biofilm, drama) — directed by Joven Tan, starring John Arcilla, with Alice Dixson, Rosanna Roces, Rita Avila, and more
7. MANG KEPWENG, ANG LIHIM NG BANDANANG ITIM (comedy adventure) — directed by Topel Lee, starring Vhong Navarro, with Benjie Paras, Ritz Azul, Ryan Bang, Ion Perez, etc
8. PAK BOYS (comedy) — directed by Al Tantay, starring Andrew E, Janno Gibbs, Jerald Napoels, and Dennis Padilla
9. THE BOY FORETOLD BY THE STARS (BL-romcom) — directed by Dolly Dulu, starring Adrian Lindayag and Keann Johnson
10. FAN GIRL (coming of age) — directed by Antoinette Jadaone, starring Charlie Dizon and Paulo Avelino
Kapansin-pansin na sa taong ito ay walang entry ang malalaking artista na namamayagpag sa mga nagdaang MMFF tulad nina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto.
Tuwing MMFF ay inaabangan ng mga tao ang Parade of Stars ng mga artistang may pelikulang kasali sa taunang festival. Ayon sa MMFF Execom, magkakaroon pa rin naman daw ng Parade of Stars kaya lang magiging virtual na rin ito. Kung paano ang magiging execution dito, abangan na lang natin.
Congratulations sa mga producers, directors at mga artistang may entry sa 2020 MMFF.