HOT HOT HOT! Ramdam na ramdam mo na ba ang summer heat? Mas painitin pa natin lalo in a sexy way sa pamamagitan ng panonood ng mga Pinoy Sexy-Romance movies na available ngayon sa Netflix!
Mabentang-mabenta ngayon ang mga KDramas at KMovies plus ang mga Hollywood films na talaga naman bongga at palaban. Kung fan ka nina Anne Curtis, Cristine Reyes, Lovi Poe, Sue Ramirez at Sanya Lopez, you’re in for a big treat dahil ibubunyag na namin ang mga movies ng mga sexy Pinays na ito na mapapanood mo in the comforts of your own home. Are you ready?
1. Wild and Free
Starring: Sanya Lopez and Derrick Monasterio
Director: Connie Macatuno
LOGLINE: When two ex-lovers revive their passionate relationship, a dark secret that connects their pasts threatens to disrupt their romance.
Noong 2018 ay binigyan ng launching film ng Regal Entertainment Inc. ang dalawa sa hottest Kapuso rising stars na sina Derrick Monasterio at Sanya Lopez entitled ‘Wild and Free’. Mula sa direksyon ng Glorious director na si Connie Macatuno, isang kuwento ng dalawang tao na napaso sa sobrang init ng kanilang pagmamahalan. Shocking ang mga eksenang ginawa nina Derrick at Sanya na noong mga panahon na iyon ay puro ‘semi-sexy’ scenes lang ang ginagawa sa TV.
Maliban kay Derrick ay may mga love scenes din si Sanya with Juancho Trivino. Hindi man ito naging box-office hit dahil hindi masyado nabigyan ng bonggang promotion (kulang na kulang naman kasi talaga ang GMA sa shows na puwedeng puntahan ng talents nila for movie promotions!), mukhang hot and trending naman ang pelikula sa video streaming sites tulad ng Netflix at ng HOOQ bago ito tuluyang nag-shutdown.
2. The Escort
Starring: Lovi Poe, Derek Ramsay, Jean Garcia and Christopher de Leon
Director: Enzo Williams
LOGLINE: A manager of a high-end escort service seduces and hires a young waitress until he learns that mixing business with pleasure has no room for love.
Ellen Adarna’s loss was Lovi Poe’s gain.
Ang The Escort ay kuwento ng isang conservative secretary named Yassi (Lovi Poe) ng isang website kung saan pwede mag-hire ng private escorts ang mayayamang lalaki. Makikilala niya rito ang isang mayamang businessman (Christopher de Leon) at isang gigolo (Derek Ramsay) na manggugulo sa kanyang tahimik na buhay. May love scenes si Lovi with Derek and Christopher pero hindi rin nagpahuli si Jean Garcia na tinodo rin ang halikan nila ni Derek by the pool.
3. Cuddle Weather
Starring: Sue Ramirez and RK Bagatsing
Director: RJ Marmol
LOGLINE: When a seasoned sex-worker sleeps with a rookie call boy, they soon find that a strictly physical relationship doesn’t completely satisfy them.
Rom-Com tungkol sa dalawang pokpok? Posible ba? YES!
Ang Cuddle Weather nina RK Bagatsing at Sue Ramirez ang isa sa pinaka-nakakatuwang sexy romance comedies na napanood namin in recent years. Kuwento ito ng isang beteranang sex worker (Sue Ramirez) na magiging ‘senpai’ ng isang inosenteng probinsyano na napilitan maging call boy. May tsansa ban a magkaroon ng ‘happily ever after’ ang dalawang pokpok? Watch this film para malaman niyo!
4. No Other Woman
Starring: Anne Curtis, Derek Ramsay and Cristine Reyes
Director: Ruel S. Bayani
LOGLINE: A happily married man gives in to temptation when a wealthy client pursues him, setting off a torrid love triangle.
S’yempre, hindi mawawala ang pelikulang muling bumuhay sa kuwentong kabitan!
Worth the risk ang ginawang pagpapaseksi nina Anne Curtis, Cristine Reyes at Derek Ramsay para sa sexy-drama film na ‘No Other Woman’, na naging #1 Most Watched Movie of All-Time noong ipinalabas ito ng halos dalawang buwan sa mga sinehan. Girls in bikinis? Check. Topless hunk? Check. Bonggang love scenes? Check na Check! Jombagan ng dalawang sexy babes? CHECK NA CHECK!
5. Just a Stranger
Starring: Anne Curtis and Marco Gumabao
Director: Jason Paul Laxamana
LOGLINE: An unhappily married woman meets a younger man in Portugal, and the two fall in love despite their commitments to others.
Bago kinarir ni Anne Curtis ang bagong role niya bilang isang real-life Mother dearest ay isang hot sexy film ang iniwan niya sa kanyang mga fans. Marami ang na-shock sa mala-May-December love affair kind of film ni Anne Curtis with a younger leading man na si Marco Gumabao na nagpakita ng kanyang behind sa kanilang love scene. Ang mas nakaka-shock para sa amin ay ang classification ng iba na ito ay isang ‘May-December’ love affair dahil napakabatang tingnan ni Anne! Dyosa talaga!
There you have it! Napanood niyo na ba ang mga pelikulang nabanggit? If not, ihanda niyo na ang sarili niyo dahil you will have a hot, steamy, streaming night!