MAITUTURING na ‘unique’ ang pag-abante ng karera ni JC Santos. Kung karamihan sa mga leading men natin ngayon ay graduate ng reality-based artista search o mga kamag-anak ng artista, si JC ay nag-umpisa sa teatro at nagtrabaho pa nga ito sa Disneyland Hongkong bilang stage performer bago ito nagdesisyon na umuwi at subukan ang kanyang suwerte sa pamamagitan ng pag-audition sa iba’t ibang indie films.
Nagbida ito sa isang indie film at naging love interest sa isang pelikula na feeling namin ay doon siya napansin ng ABS-CBN kaya isinabak ito bilang second lead sa JaDine series na “Till I Met You” noong 2016. Dito siya nakilala ng Kapamilya viewers at napansin ang potential niya na maging leading man sa samu’t saring pelikula. Very relatable kasi ang dating ni JC at maaasahan mo ito hindi lang sa kilig – kaya ka niya paiyakin!
Showing pa rin ngayon sa mga sinehan ang ikatlong pelikula nila ni Bela Padilla bilang magka-loveteam na ‘On Vodka, Beers and Regrets’. Kahit na mas Bela Padilla movie iyon, hindi maikakaila na nakakadala ang pagganap ni JC bilang dependable hopeless romantic na si Francis. This time, balikan natin ang ilan sa mga nagawang romance-drama films ni JC. Let us rank the Top 5 JC Santos Romance-Drama Movies!
-
Sakaling Hindi Makarating
Sa pelikulang ‘Sakaling Hindi Makarating’ unang nakitaan ng potential si JC Santos bilang isang leading man. Kahit na hindi talaga siya ang main love interest ni Alessandra de Rossi sa CineFilipino 2016 award-winning film, nakitaan ng audience ng kilig factor ang mga eksena nila ng aktres. Marami ang na-curious kung sino ba itong lalaking ito at bakit parang
Sa 2016 CineFilipino film na ‘Sakaling Hindi Makarating’ unang nakitaan ng potential si Jc Santos bilang leading man. Kahit na hindi naman talaga siya ang main love interest ni Alessandra de Rossi sa nasabing pelikula, marami ang na-curious kung sino baa ng lalaking ito at bakit parang kinikilig kami sa mga eksena nila ni Alessandra? Marami nga ang nag-tweet kung sino ba si Manuel (karakter ni JC) at kung taga-Dumaguete o Siquijor ba siya? Pagkaraan ng ilang buwan ay ipinakilala na siya bilang co-star nina James Reid at Nadine Lustre sa ‘Till I Met You’.
Where to Watch: Coming Soon!
4. The Day After Valentine’s
Officially, ito ang ikalawang pelikula nina JC Santos at Bela Padilla mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana. JC plays the role of Kai, isang Pinoy na lumaki sa Hawaii na brokenhearted nang makilala ni Lani (Bela Padilla). Pareho sila na mahilig sa Baybayin at nagkadebelopan sila. Nagbago ang lahat nang magpunta silang dalawa sa Hawaii at dito na tuluyan winasak ni Kai ang puso ni Lani. Kahit na hindi sila nagkatuluyan sa pelikula, may mga moments naman dito si Kai na makikita mo na he really cared for Lani. Maganda ang transition niya from a brokenhearted man to someone who can help you fix your life.
Where to Watch: Netflix, iFlix, HOOQ
3. Open
Mas sexy at daring na JC Santos at Arci Munoz ang nasaksihan namin sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino entry na ‘Open’. The film tackles the pros and cons of open relationships na uso ngayon. Maraming sexy scenes ang pelikula na siguro ay hindi magandang ideya na panoorin kasama ang iyong pamilya! Ito yata ang pinaka-daring film nina JC at Arci hindi lang dahil sa hindi mabilang na kissing scenes. Tagos sa puso ang performance ni Arci dito na napilitan lang na um-oo sa proposal ng kanyang boyfriend for 14 years na magkaroon ng open relationship at makipaglampungan sa ibang tao. Maiinis ka kay JC dito na bihira natin mapanood sa mga karakter sa previous films niya.
Where to Watch: iWant and TFC (Pay-Per-View)
2. Mr and Mrs Cruz
Refreshing ang tambalan nina JC Santos at Ryza Cenon sa 2019 opening salvo ng Viva Films na ‘Mr and Mrs. Cruz’ na mula sa direksyon at panulat ni Sigrid Andrea-Bernardo ng Kita Kita at UnTrue. Isang travel-romance film ang Mr. and Mrs. Cruz na kinunan sa Palawan. Si JC sa pelikula ay isang namesless guy na hindi na naniniwala sa sagrado ng kasal dahil hindi siya sinipot ng kanyang fiancé sa simbahan. Si Ryza naman ay isang babae na tinakasan ang sariling kasal. Paborito ko ang eksena na naglalasing ang dalawa sa isang open bar at sumayaw-sayaw pa sila. Napakanatural ng performance nilang dalawa at nailabas ni JC ang talent ni Ryza. Siguro, kung iba ang kapartner ng aktres ay hindi kasing ganda ng performance niya rito ang kalalabasan. Hanggang ngayon ay hoping pa rin kami na may sequel ang open ending na final scene nito. Viva Films, baka naman!!!
Where to Watch: Netflix, iFlix and HOOQ
-
100 Tula Para Kay Stella
Sino ba ang hindi naapektuhan sa pagiging torpe ni Fidel sa ‘100 Tula Para Kay Stella’?
Para sa amin, ang pagganap ni JC bilang Fidel sa ‘100 Tula Para Kay Stella’ ang tunay na turning point sa kanyang uumuusbong na showbiz career. Hindi considered na bankable leads sina JC Santos at Bela Padilla nang piliin sila ni Jason Paul Laxamana na magbida sa topgrosser ng first ever Pista ng Pelikulang Pilipino noong 2017. Marami ang nakarelate sa pagiging torpe, idealistic at creative ni Fidel. Kinilig tayo sa mga simple but sweet moments nina Fidel at Stella at lahat tayo ay nagwish na sana’y silang dalawa ang magkakatuluyan sa ending. Just recently ay kinumpirma ng Viva sa pamamagitan ng Viva Vision 2020 na magkakaroon ng sequel ang ‘100 Tula Para Kay Stella’ kaya ngayon pa lang ay excited na ang mga loyal JC-Bela fans.
Where to Watch: Netflix, iFlix and HOOQ
Wow! Impressive ang listahan ng romance-drama movies ni JC, noh? Hindi pa kasama dyan lahat ng proyektong nagawa at gagawin niya!
Showing pa rin ngayon sa mga sinehan nationwide ang ‘On Vodka, Beers and Regrets’ starring JC Santos and Bela Padilla mula sa panulat at direksyon ni Irene Villamor. What’s your favorite JC Santos movie?