FOR PURPOSES OF brevity, itago na lang natin sa mga initials na SA (for Sikat na Aktor) at TE (for Top Executive) ang dalawang bida sa kuwentong ito.
Sa iisang TV network affiliated sina SA at TE, both men(?). Ilang taon man ang agwat ng kanilang edad, they make a lovely bisexual couple, palibhasa pareho silang pogi.
Hindi naman lingid sa kaalaman ni TE na marami nang na-link na suspected gay actors kay SA. Nariyang natsismis si SA kay E, kay R, kay Y, kay S, kay M, sa isa pang E, among others. Ewan kung ginagawang pagtatakip lang ni SA ang kasalukuyan niyang relasyon with a showbiz girl.
But all this TE does not care about. Object of fantasy pa rin niya si SA kahit pamilyado na siya (TE). In fact, straight to SA’s face ay pinrangka siya ni TE: “I’m willing to give up my family, magsama lang tayo.”
Of course, SA did not heed the call, pero “gandang-ganda” raw siya sa kanyang sarili. Imagine, isang pamilyadong tao, guwapo’t may mataas na katungkulan sa isang TV station, handang iligwak ang kanyang mag-iina para lang bumukod sila’t bumuo ng sariling pamilya although non-procreative?
So, ‘pag nagkataon, sino na lang ang lalamanin ng bahay ni kuya… mga ateng magdyowa? In fairness, SA and TE make for a perfect man-to-man DVD na huwag na sanang kumpiskahin ni OMB Chairman Ronnie Ricketts, ‘no!
(By Ronnie Carrasco III)