IBA PA RIN kapag maganda ang isang pelikula.
Kaya nga nang i-launch online sa iba’t ibang social media platform ang teaser-trailer ng Metro Manila Film Festival 2019 entry last night na bida si Aga Muhlach na Miracle in Cell No. 7, nakakagulat ang response ng publiko at netizens dahil in 5 hours ay naka-3 million views na ang teaser.
Iisa ang feedback na nababasa namin online sa Pinoy version ng pelikula na halaw sa isang Korean hit a couple of years ago.
It’s about a “tatay” na may autism at ang relasyon niya sa anak niya na si Yesha. Sa teaser, ipinakita na nakulong si Joselito (Lito) sa bintang na pagpatay. Doon sa loob ng kulungan iikot ang kuwento ng mag-ama na kahit teaser pa lang ang napapanood ng mga netizens ay gusto na nila.
To quote RB A. Andres of PETA: “Isa sa tatlong pelikula na mga panonoorin ko sa Pasko.”
Kami man, nagustuhan ko ang kapirangkot na teaser. Natouch na ako sa ilang mga eksena ng mag-ama. Akma for the Christmas season.
A positive sign ito para sa aktor at sa pelikula niya. With 5 million views at magandang feedback, I hope susuportahan ito ng mga moviegoers sa darating na Christmas Season.
Makakasama sa pelikula nina Aga at Xia sina Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, Soliman Cruz and Bela Padilla with the special participation of Tirso Cruz III sa direksyon ni Nuel Naval.