Transgender film na “Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko”, ipapalabas sa iba’t ibang international film festivals

Rocky Salumbides in “Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko”

BIDA ang model turned actor na si Rocky Salumbides sa controversial na transgender film titled Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko or Those Long Haired Nights in English.

Ayon sa director ng pelikula na si Gerard Calagui, mahusay na nagampanan ni Rocky ang role ni Barbie na isang transgender na rumarampa sa Burgos Avenue in Makati.

 “Yes, I was very satisfied with his performance. I was actually awed na nakatingin lamang ako sa monitor. Merong expression sa mata si Rocky na hindi ko ma-describe,” sabi pa niya.

Bukod kay Rocky, kasama rin sa pelikula who are also portraying transgenders sina Matt Daclan (as Tuesday) at Anthony Falcon (as Amanda).

Originally, balak ng director na mga totoong transgender ang gawing bida sa Mga Gabing Kasing Haba ng Hair Ko pero di raw ito natuloy.

“Ang intended talaga na actors para dito noong nag-uumpisa kami ay mga tunay na LGBT, mga transgender people. Pero hindi siya naging posible dahil ang dahilan sa akin nung mga ininterbyu namin at nakasama sa research, baka kasi ma-jeopardize yung trabaho nila sa Burgos kasi maa-identified sila. Siyempre, irerespeto natin yon,” kuwento ng director.

Rocky Salumbides

On October 12, ipapalabas ang pelikula sa Busan International Filmfest para sa Asian Window section.

Kasali rin ito sa Hawaii International Filmfest, Thessaloniki Filmfest (Greee), Brisbane Filmfest (Australia), Taipei Golden Horse Filmfest (Taiwan), San Diego Asian Filmfest (USA) at sa local filmfest na QCinema International Filmfest na magsisimula sa Oct. 19 hanggang 28.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleEMPOY MARQUEZ: Ang Bagong Pogi ng mga Millenials!
Next articleDennis Padilla, sumabak sa pagdidirek kay Empoy sa ‘The Barker’

No posts to display