KUNG noong nag-umpisa ang afternoon series ng GMA-7 na ‘Asawa Ko, Karibal Ko’ ay marami ang bumilib sa ganda ng istorya, ngayon ay may ilan nang bumabatikos sa programa particularly sa character na pinoportray ni Thea Tolentino bilang Venus na dating si Nathan (Jason Abalos).
Ang akala kasi ng marami ay magfofocus ang show sa kung paano matatanggap ng community ang isang tulad ni Venus. Imbes na mag-build up ng positive character ay naging sobrang paalaway, walang sinasanto at halos pure evil ang kinalabasan nito.
Nang makausap ko ang isang kaibigan na nasa transition stage, nakapag-comment ito na na-appreciate niya ang unang attempt ng programa, pero nainis ito dahil napakasama ng character development ni Venus. Kung ang Destiny Rose daw ay kapuri-puri, ang Asawa Ko, Karibal Ko naman ay isang malaking disappointment sa supposedly ay nirerepresent nito.
Ang karakter naman ni Kris Bernal bilang Rachel ay nuknukan ng typical teleserye bida – inaapi at sobrang hina.
Magaling naman si Thea Tolentino dito, pero ano kaya ang tunay niyang saloobin para sa karakter ni Venus?
Ang magandang discovery sa show na ito ay ang leading man potential ni Rayver Cruz na hindi masyadong na-expose noong siya’y nasa ABS-CBN pa. Marami rin ang nagsasabi na ang papel ni Matthias Rhoads bilang Daniel ay very endearing. Pinuri din ang short but memorable role ni Jason Abalos when he portrayed the role of Nathan.