Travel docs ni Ping, peke raw

PAREKOY, POSIBLENG PANIBAGONG asunto ang kaharapin ni Senador Ping Lacson.

Ito ay nang naghihinala ang Department of Foreign Affair na peke ang travel documents ng mambabatas nang “umuwi” ito sa Pilipinas makaraan ang mahigit 14 buwang pagtatago sa iba’t ibang bansa.

Makakasuhan lamang si Lacson kung may maglalakas ng loob na magreklamo sa kanya dahil bilang mambabatas na gumagawa ng batas, mistulang siya pa ang nanguna para labagin ng batas!

Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi natin mapapaamin ang senador kung sino talaga ang nagkanlong sa kanya noong siya ay isang pugante.

Mantakin n’yo naman, parekoy, habang hilong-talilong sa paghahanap ang PNP, NBI, DOJ at ma-ging ang Interpol, hindi nila makita si Palos… este, Ping.

Duda tuloy ako… mismong ang makapangyarihang tao ang nagkakanlong kay Ping noon. Ano sa tingin n’yo, mga parekoy?

SENADOR LACSON,  MAGRE-RESIGN DAW? OWWS?

May “tsismis” na hindi mamatay-matay sa Kongreso. Ito ay ang planong pagbibitiw raw ni Ping bilang senador at itatalaga ni Pangulong Noy bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ano? Makaraang labagin ang batas at hiyain ang iba’t ibang ahensiya na naghahanap sa kanya, isang malawak na kapangyarihan pa ang “reward” kay Lacson?!

Grabe na ito!!!

Bagaman tsismis lang ito, aba kahit paano ay may maniniwala rito kung pagbabasehan ang kasabihan ng mga matatanda na “kung walang sunog, walang usok”.

At ang nakapagtataka, mga parekoy, bakit ang “lambot” ni Pangulong Noy kapag ang usapin ay sentro kay Lacson?

Kung sa bagay, ang kaibigan ay kaibigan lalo na’t kampanya ay napondohan!!!

Common knowledge naman, mga giliw kong mambabasa, na malaki rin ang capital ni Lacson sa kandidatura ng pangulo at siguro ito ang dahilan kung bakit “VIP” ang trato ng pamahalaan kay Lacson. Sabi nga “It’s payback time”!

HINDI DAPAT KUNSINTIHIN ANG MORONG 43

Naghihiganti na ang Morong 43 o ang mga health workers na inaresto sa isang resort sa Rizal nang paghinalaan sila na mga miyembro ng New People’s Army.

Ang sabi, kinasuhan na ng mga ito ang ibang opisyal ng militar at si dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ang sabi, mali raw ang pag-aresto sa kanila at sila ay tinortyur.

Parekoy, ayokong paniwalaan na tinortyur sila dahil  kita naman ang ebidensiya na kapag nakalalabas sila sa kanilang “kulungan” ay matatapang sila.

Hindi raw sila NPA, pero kapag may presscon, nakataas ang kamay nila at sumisigaw ng “makibaka!”

Sino ba ang nakibaka sa kanila para mapawalang-sala? Ang mga aktibista at militant solons?

Marami pang kasinungalingan ang Morong 43 gaya ng panghihipo raw ng militar sa isa sa kanila na hindi naman totoo.

Kayo ba parekoy, naniniwala pa sa Morong 43? Ako kasi, ayokong maging “moron”.

Ugaliing makinig sa aking programang ALARMA Kinse Trenta sa DZME 1530 Ang Radyo Uno, dulong kanan sa inyong tala-pihitan, tuwing Lunes-Biyernes, 6-7 am. Live streaming: www.dzme1530.com. E-mail: [email protected]; text/call: 09152121303.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleBatas natin o batas nila?
Next article‘Duling’ na TV host actress, hirap ayusan ng make-up artist!

No posts to display