PATAPOS NA naman ang buwan ng Abril. Kay bilis ng paglipas ng oras, hindi ba? Aba! Huwag pahuhuli sa may mga beach bodies ngayong kasagsagan ng summer getaways kasama ang pamilya at ang barkada! Kaya ang artikulo kong ito ay para sa mga bagets na nagnanais i-display ang kanilang mga naitatagong beach body! Ano pang hinihintay ninyo? Ang daming paraan ng pagpapapayat at bibigyan ko kayo ng mga “a must try workout fitness gyms” dito sa Metro.
- Plyometrics
Sa mga feeling sporty riyan, Plyometrics ang the best na workout para sa inyo. Ito naman ay 20-30 minutos na workout na gumagamit ng drills. Ang mga drills na ito ay hindi basta-basta. Hindi ito warm up-warm up lang dahil dapat mabilis at malakas ang bawat galaw ninyo. Ang workout na ito ay talagang ginagamit bilang training ng mga taong sports varsity sa iba’t ibang field. Limang daan hanggang walong daan kada oras ang calories na maaari mong mai-burn.
- Jukari Fit to Flex
Mag-ala-Cirque du Soleil performer sa workout na Jukari Fit To Flex! Sa mga taong bored na bored na riyan sa araw-araw na ordinaryong routine sa gym, the best ang workout na ito para sa inyo! Gumagamit ito ng elastic at lightweight band na siya ring ginagamit ng mga performers ng Cirque du Soleil habang nagte-training. Palambutan ng katawan ang labanan dito dahil iba-ibang stretches na may art at choreography ang magaganap. Tatlong daan na calories din ang nabu-burn dito kada oras.
- 360 Circuit Training
Ang work-out na ito ay para sa mga busy-busy-han na bagets diyan o kaya sa mga bagets na naiinip sa mga isa hanggang dalawang oras na paglalagi sa gym kada araw, dahil ang 360 Circuit Training ay workout na tumatagal lamang ng treinta minutos. At sa kalahating oras na ito, maaari na kayong makapag-burn ng umaabot sa 500 calories. Sa treinta minutos, kinakailangan mong madaanan ang lahat ng 20 istasyon na handog ng gym na ito. Ang bawat istasyon ay iba-iba at may kanya-kanyang pokus sa inyong katawan kaya magandang ituluy-tuloy ang workout na ito, dahil makikita mo ang magandang resulta sa buong katawan mo.
4.Kettleball
Ayon sa Women’s Health Philippines, ang Kettleball ay maituturing na isang intense na workout sa panahon ngayon. Paano ba naman, ikaw ba’y magbubuhat ng iron or steel kettleball na tumitimbang ng hanggang sa 40 pounds?! Pag-lift, pag-swing lang naman ang mga gagawin mo kasama ang mabigat na kettleball. Kaya nga sa isang oras na workout na ito, maaari ka nang makabawas ng isang libong calories.
- Barre3
Ang workout na ito ay pinagsama-sama ang ballet, yoga, at pilates. O, ‘di ba, 3 in 1 ang ganap ng nasabing ehersisyo? Wino-workout nito ang mga core muscles, balance ng katawan, at lalo na ang upper part ng body ninyo. Sa isang oras na pagsasagawa nito, maaari kayo mag-burn ng hanggang sa 200 na calories. The best ito para sa mga beginners.
Marahil bago sa inyong pandinig ang mga fitness workouts na nabanggit, pero ito ang mga trending workouts na nakapagbibigay ng magandang resulta ngayong taon. Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Subukan na ang mga ito at huwag kalimutang mag-selfie kasama ang beach body!
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo