KUMBAGA sa pagmamahal at relasyon, ang dami na pinagdaanan ang “love story” nina Miggy at Laida na nagkaroon ng cult following noong una sila nagsama sa pelikula noong 2008 via “A Very Special Love” na sinundan ng dalawa pa (You Changed My Life at It Takes a Man and a Woman) na lahat ay super box-office hit.
Ang mga supporters ng dalawa ay mas lalong na-excite nang mapabalita na may kasunod ang last movie nila noong 2013 na matapos magpapalit-palit ng titulo at urong-sulong na mga shooting schedule, sa darating na Wednesday, July 26 ay muling magpapakilig ang dalawa sa wide screen.
Pero sa bagong pelikula ngdalawa, hindi na sila sina Miggy at Laida. Mga bagong karakter na sila playing the roles of April and Raffy na cute at bagay sa kuwento ng pelikula.
Sa katunayan, sa launch ng trailer sa telebisyon ng “Finally Found Someone”
nang magsimula ang promotion sa social media last week, ang buong sanlibutan ay pinanood ito online na in a span of 7 hours ay umabot ng 1 million views; 8.7K comments; 40K reactions at 17.8K shares on Facebook alone.
Meaning, madami ang nag-aabang. Madami ang excited na patunay lang na ang
chemistry ng dalawa ay hindi mo na tatawaran at tatanungin kung may dating ba o’ positibo ang epekto sa pagkagusto ng viewing public.
In short, tried and tested na sina John Lloyd at Sarah na kahit pampelikula lang ang kilig ng dalawa ay tanggap na tanggap ng madlang pipol.
Si Sarah committed kay Matteo Guidicelli at si Lloydie naman kahit noon pa man na sila pa ni Angelica Panganiban, hindi hassle ang personal affair nila sa love team nila on screen. Tanggap sila ng fans.
Kaya nga si Sarah excited sa magiging outcome ng 4th team-up nila ng actor.
Sabi ng dalaga: “It’s always inspiring to work him kasi he brings out the best sa lahat ng leading ladies na nakakatrabaho niya.
“Kapag siya ang gumaganap sa isang role, he can make you believe na siya talaga ang characters na ginagampanan niya. As his leading lady, madadala ka rin sa galing niya.”
Sa darating na Wednesday na mapapanood ang “Finally Found Someone “ sa mga sinehan nationwide. Kitakitz.
Reyted K
By RK Villacorta