HINDI pa nga nakaka-forty days sa kanyang paglalakbay sa kanyang pinatunguhan ang Man from Manila o ang Master Rapper and King of Rap na si Francis Magalona, may mga tao nang binabastos ang kanyang mga iniwanan.
Nakita sa internet ang poster ni FrancisM para sa isang show na gaganapin sa M-Studio sa 1001 Meyerside Dr., Mississauga, Ontario, Canada sa March 27 entitled “Freeman” at 9 p.m. at ang cover charge ay $10. Nakasaad pa sa nasabing poster na isa itong tribute sa Master Rapper at ang kasunod noon eh, ang ibebenta raw na t-shirts na hatid ng Phlip the sun and the stars and M-Studio. Ang gulo nga! Bangag ‘ata ang gumawa ng poster nila. At inilagay pa na ang proceeds ng nasabing show, na hindi mo naman alam kung sino ang mga artists na sasalang eh, para raw sa Foundation ni FrancisM.
Nag-react ang anak ni FrancisM sa bagay na ito na ipinadala naman sa amin ni Girlie Rodis sa Facebook. GR said:
“Let us shame these scammers into giving Francis M’s family the respect they deserve as his heirs. They should not be allowed to use his image in any event without permission from the family. This is what Maxene said in her note. Please spread this around so that it may get to the people in that area so that they do not support this fraud.”
At si Max naman:
“Although we understand that Papa influenced millions of people with his work, we don’t approve of these gimmicks that pretend to pay tribute to his legacy when it is OBVIOUS that they are merely using him to make money. FRANCIS M.’S FOUNDATION? There’s no such thing! Mama never approved of anything like that! If they were honest and true about paying tribute to Papa and wanting to earn money for some foundation, they would have done the appropriate thing and respectfully asked my Mom for permission. This is like using my Dad as a performer in a concert except they don’t pay him for it.
Plus, they’re selling shirts just like those from my Dad’s clothing line. GAYA-GAYA! How do these people sleep at night?! PLEASE RESPECT MY DAD AND LET HIM REST IN PEACE. Nakakabastos kayo!
P.S. If any of you discover more events or merchandise similar to this, please bring it to our attention immediately. THANK YOU.”
Kaya kung may kakilala man kayo o kamag-anak sa nasabing lugar, ipahatid n’yo na ang balitang ito at pakisabi sa kanila na mahiya sila sa balat nila! Pati na sa mga magtatangkang gumawa nito rito, lalo na ‘yung mga gumagawa ng sarili nilang version ng three stars and a sun shirts ng Master Rapper!
Isang salita ang natutunan ko a long time ago kay Pia mismo sa mga ganitong klase ng mga tao: Mga low life!