OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo. It’s Monday and don’t make it a blue Monday!
Noong Miyerkules (Sept. 19) nang gabi sa SM MOA Arena, kahit humirit na naman ang malakas na ulan, marami pa rin ang nanood at mga artistang Kapa-milya, Kapuso at Kapatid sa Dolphy Alay Tawa musical tribute para sa nag-iisang King of Comedy.
Ang mga artistang namataan ng aking parazzi girl ay pawang big stars. Bukod sa Pamilya Quizon, naroon din sina Judy Ann Santos at asawang si Ryan Agoncillo, Derek Ramsay, Ai-Ai delas Alas, Maricel Soriano, Edu Manzano, Marian Rivera at Heart Evangelista na balitang nagkabati na, Lorna Tolentino, Roderick Paulate, Alma Moreno, Wendell Ramos, Michael V., Smokey Manaloto, Dennis Trillo, Vhong Navarro, Rayver Cruz, Keempee de Leon, Aljur Abrenica, Daniel Matsunaga, Jolina Magdangal, Angeline Quinto, at marami pang iba.
Tanging si Dolphy lang ang nakagawa na pagsamahin ang tatlong giant networks sa iisang event. Nakaaaliw ang production numbers. Una na ang mga anak ni Dolphy na nag-ala-Jackson 5 na sina Eric, Ronnie, Epi, Vandolph at apong si Boy 2 Quizon. Kaloka ang kanilang outfit na naka-afro ang buhok. Marami ang nagsasabi na isa itong pamanang talento ni Dolphy sa kanyang mga anak.
Ang nakababaliw ay ang mga bulung-bulungan na habang nagpe-perform ang mga ito, ayon sa isang beki, ang tunay raw na ipinamana sa mga anak ay ang bukol na nasa harapan nila. Sino nga kaya sa kanila ang nagmana ng ‘Bombil-ya King’? Hahaha!
Sa mga malalapit na kaibigan ni Dolphy na binigyan ng pagkakataong magbigay ng mensahe ay sina Susan Roces, Gloria Romero, Eddie Garcia, Eddie Gutierrez (aywan ko kung kasama ang mahaderang asawa, malamang hindi dahil walang gulong nangyari), Daisy Romualdez, Rosa Rosal, at aming si Gov. Vilma Santos-Recto.
Nagtataka lang ako. Bakit walang mensahe ang sinasabing anak-anakan daw ni Dolphy? At parang hindi ko nasilayan. Kasi kung mahalaga sa kanya si Dolphy, ipagpapaliban niya muna ang kanyang show na Wil Time Bigtime. Say mo?
Kasi, hanggang sa matapos ang show, walang ipinakita.
Naloka ang lahat sa very touching recorded song ni Vic Sotto na nasilayan namin si Zsa Zsa Padilla na napaiyak. At isa pang nakakaloka ay talagang hindi na makakanta kaya napaiyak na lang si Nora Aunor. Sabi nga nila, ‘Nora, tumula na lang sa concert para kay Dolphy’. Kasi walang lumabas na boses. Kaya ang lola n’yo, hindi makasabay sa kantahan, kaya parang napaiyak na lang siya.
Ang pinaka-bonggacious sa lahat ay ang ending kung saan pinagsama-sama sa entablado ang mga anak ni Dolphy at siyempre pa ang love ni Dolphy na si Zsa Zsa, kasama rin si Karylle na welcome din sa Pamilya Quizon. Kinanta nila ang ‘We Are Family’ na very touching talaga.
Marami ang nagsasabi na sana maulit muli, at taon-taon na gawin ang Alay Tawa Para Kay Dolphy, na talaga namang hindi lang tawa kundi nasiyahan ang lahat at nagkita-kita ang mga artista ng tatlong higanteng network, ang Kapamilya, Kapuso at ang Kapatid. Wala bang Kaibigan d’yan, ang DZRH.TV? ‘Yun na! Mabuhay!
SPEAKING OF bonggacious, congratulations nga pala kay Gov. Vilma Santos-Recto. May bago na naman siyang karangalan at dangal na natanggap, ang Lingkod Bayan Award na ibinibigay sa bawat individual na may nagawang contribution sa bayan na kapaki-pakinabang at karangal-rangal sa bayan at mamamayang Pilipino.
Tumanggap din siya ng P200,000, gold medallion, plaque with citation na pirmado ni P-Noy, school grant at iba pang incentives, at salary increase sa kung anumang posisyon ang hawak niya sa pamahalaan.
Kaya proud na proud na naman ang mga kaibigan kong Vilmanians na si Willie Fernandez, Doc Ron, Rene, Joel, at lahat ng Vilmanians.
My congratulations again and again and again. Oh, ‘di ba bongga ang Vilma? Say n’yo?!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding