Trip ko si Sec Lacierda

SA LOOB NG humigit-kumulang na apat na dekada, ako ay isang active public relations practitioner. Napakamahamong propesyon. Walang masyadong kita. Ngunit nagdudulot ng isang ‘di mababayarang kasiyahan at fulfillment.

Naging aktibo rin ako sa pagsusulat. Nagumon ako sa simula sa literature and poetry. Pagkatapos, switched ako sa journalism. Naging cub reporter sa mga malalaking pahayagan. Pagkatapos, sumabak na sa public relations.

Ginugunita ko ito habang sinusubaybayan ang very productive PR career ni Atty. Edwin Lacierda, spokesman ng Pangulo. Unang-una, siya ay isang manananggol. Walang professional training sa PR at journalism. Subalit believe ako sa kanyang uido sa public relations.

Habang ang dalawa pang ulo ng Communications Group – Sec. Ricky Carandang at Sec. Sonny Coloma – ay malimit mag-panic, si Lacierda ay laging cool as cucumber. Mahusay, klaro at malamig magpaliwanag. Malalim mag-isip. Pinag-iisipan ang lahat na bibitawang sensitibong salita.

Sa aking libro, tops si Lacierda. Subalit nagkamali siya ng something unpardonable ‘di nalalaunan. Ito ay nu’ng kinastigo niya ang mga columnists sa diumano’y laging malicious slants sa pronouncements ni P-Noy.Umalma na parang kumukulong kaldero ang mga kinauukulan. Walang awa siyang binatikos. Hinambalos. Sana papayuhan ko siya na ito ay no-no sa isang spokesperson. Kaibiganin at unawain ang mga kolumnista.

Sa lahat-lahat, sterling asset ng Pangulo si Lacierda. Sana’y magtagal pa sa tungkulin. Wala pang puwedeng ipalit sa kanya.

Paminsan-minsan, ang kanyang deputy, Atty. Abigail Valte, ay dapat busalan. Hilig pumasok sa eksena. Hilig mag-grandstanding at magpa-cute sa TV. Ngunit walang substance ang mga pinahahayag. Kalimita’y nasasalbahe pa si Pangulo.

Trip ko si Sec. Lacierda. Balita, pure Chinese siya. May ngiting disente ang kanyang pagka-Tsinito. Ngunit ano ba itong tsismis na narinig ko? Si Lacierda raw ay napakamahal sumingil ng legal fee, reklamo ng isang dog club. ‘Di sana magrereklamo ang club kung naipanalo niya ang kaso.

Anyhow, keep on punching, Secretary. ‘Pag nabasa mo ‘to, text mo ako ng pasasalamat.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articlePangongotong ng mga traffic enforcer
Next articleHost-singer, itinatago pa rin ang pangangaliwa ng misis!

No posts to display