WHETHER YOU AGREE or disagree sa naging pamamaraan ng pagpili ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon, masasabi namin na maayos at there’s something for everyone sa line-up. May mix ng usual mainstream flicks for the family and barkada at mga indie films na hindi rin naman nagpatalo kung star power o budget ang pag-uusapan.
Every MMFF Awards Night, ang Best Actress category ang talagang inaabangan ng lahat. Mas bongga naman kasi ang roles at performances ng mga babae usually at kahit star power nila ay hindi matatawaran.
Kung pagbabasahen ang mga reviews from advanced screenings at mga eksena sa kani-kanilang trailers, mukhang ang mga leading ladies na “J” ang umpisa ang magtutunggali this year for the Best Actress trophy: sina Jennylyn Mercado ng All of You, Jane Oineza ng Haunted Forest at Joanna Ampil ng Ang Larawan.
Si Jennylyn Mercado ay twice nang nanalo ng Best Actress trophy for her romcoms like English Only Please at Walang Forever. Kung nagkaroon ito ng entry last year, baka siya rin ang nanalo. Dahil sa biglang pag-usbong ng karera ni Jen sa paggawa ng pelikula ay nabansagan siya na “New RomCom Queen” of Philippine movies. Ngayon na reunited sila ni Derek Ramsay sa “All of You”, magkakaroon din kaya sila ng reunion ng Best Actress trophy o ipapasa na ba ito sa ibang deserving din na artista?
Si Jane Oineza ay hindi active sa TV, pero mukhang bini-build up na siya as “The New Princess of Horror”. Ilang taon din ang hinintay ng dalaga para ipalabas ang pelikula niya na Bloody Crayons at aminin niyo man o hindi, siya ang lumutang among her fellow co-stars dun. ‘Yun siguro ang naging hudyat para mapansin siya ng Regal Films at gawing bida sa Haunted Forest with Jameson Blake, Maris Racal and Jon Lucas. Sa trailer pa lang na todo panakot ang effects, todo at halos buong katawan at kaluluwa na rin ang iniambag ni Jane Oineza para lang i-prove sa lahat na deserving siya sa pagte-take risk sa kanya ng film outfit. Will she win?
Last but not the least ay ang international theater superstar na si Joanna Ampil. Maaari ang mga millennials or mga hindi masyadong updated sa theater world ay mapapa-“da who” sa pangalan niya, but the Philippine movie market will know who Joanna Ampil is after watching Ang Larawan. Ang pagganap niya bilang Candida na mas malakas ang loob kaysa sa kanyang nakatatatandang kapatid na si Paula (Rachel Alejandro) ay nakitaan ko ng katapangan, takot at pagkalungkot. Plus the fact na todo birit ang titashie ninyo tuwing siya’y malungkot o masaya. Pak na pak!
Goodluck and advanced congratulations sa tatlong bida natin na bet naming for Best Actress! Ang pagkakasali sa MMFF ay isa nang malaking blessing kaya go go go!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club