jHINDI NA NGA maitatagong isa sa pinakasikat na childstar ngayon sa showbiz ang bida sa Christmaserye ng GMA-7 na Jillian, Namamasko Po! na si Jillian Ward, dahil sa sunud-sunod na trabahong nakukuha nito ngayon. Bukod nga sa nasabing Christmaserye, siya ang celebrity endorser ng Snoopy at pinalitan nito ang Pinay international star na si Charice.
Tsika nga ng bibang bagets, deadma lang ito at hindi naman daw siya naiinis kapag may mga nagpapakuha ng picture na kasama siya. Masaya nga raw ang ganu’ng pakiramdam kahit na may tendency siyempre ang ilang fans na panggigilan siya kapag nakikita siya sa personal.
Hindi na rin nga raw nito pinapansin ang mga insidenteng nakukurot siya ng mga magulang ng kanyang fans sa tuwing may mall shows ito, dahil baka nakyukyutan lang daw sa kanya ang mga ito. Kaya naman daw para makaiwas sa kurot, nagsusuot na lang ito ng makapal na jacket.
Nagbabasa kami ng mga comments sa mga entertainment forums online at napansin namin na majority ng opinion ng mga tao ay mukhang napakalaki na daw ng epekto ng TV5 sa network war ngayon. Kitang-kita daw sa mga aksyon ng ABS-CBN at GMA na threatened sila sa paglakas ng TV5. Patuloy kasing umaalagwa sa ratings ang ilang programa ng TV5 at tuluyan na nitong nakopo ang weekend primetime block ng 6pm-10pm. By weekend primetime, they mean parehong Sabado at Linggo ng gabi. O ‘di ba bongga ang TV5?
MAYROONG NAG-COMMENT SA isang forum na bakit daw maglalabas ang ABS-CBN ng programang Laugh Out Loud gayong kilala na at malakas sa ratings ang programang L.O.L. o Laugh or Lose ni Vic Sotto tuwing Sabado ng gabi sa TV5. Bakit daw kailangang may hawig na title ang gamitin. Ito raw ba ay para maki-ride sa mataas na popularity at recall na ng programa ni Bossing Vic?
Tsika pa ng nag comment sa nasabing forum na ang Laugh Out Loud ng Dos na isang reality gag show ay siya ring format at malaki ang pagkakahawig ng Wow Meganon ni Joey De Leon at Mr. Fu. Matagal nang kilala ang format na ito sa TV5 dahil sa Wow Mali pa lang ni Joey De Leon ay talagang may tatak-Singko na ito.
Gusto yatang palabasin nu’ng nagsulat sa forum na ang Laugh Out Loud ng ABS-CBN ay kopya o may pagkakahawig sa title man o sa format sa dalawang malakas na programa sa TV5. Ano sa tingin ninyo?
TIKOM ANG BIBIG ng 2010 Aliw Awards Best Concert Performer awardee na si Richard Poon kapag napag-uusapan ang sinasabing babaeng nagpapatibok ng kanyang puso at espesyal sa kanyang buhay na si Maricar Reyes.
Ayon kay Richard, mas gusto raw niyang tumahimik at ‘wag magkomento sa kung ano man ang pinagsasamahan nila ngayon ni Maricar. ‘Di raw kasi siya ang tipo ng lalaki na kiss and tell. Basta happy raw siya ngayon sa estado ng kanilang friendship ng magandang aktres.
Mas gusto raw nitong pag-usapan ang kanyang upcoming album. Kaya naman abangan na lang ang paglibot ni Richard sa November 26 at SM City North Edsa The Block, 5 PM; December 4 at SM Megamall Mega Atrium, 6 PM; December 5 at the SM Mall of Asia Main Mall Atrium, 6 PM; December 18 at SM City Fairview Atrium, 6 PM; and on January 9 at the Podium ,6 PM, kung saan espesyal nitong panauhin ang MCA Music’s Acoustic Asian Sensation na si Sabrina.
BLIND ITEM: SINO naman itong sikat na host comedian na mukhang ayaw nang bigyang-atensiyon ang kanyang career at tuluyan nang nawalan ng gana sa dating trabaho na siyang nagbigay rito ng kasikatan at limpak-limpak na salapi.
Ang siste, masyado raw kasing busy ang atensiyon nito sa isang hunk actor na sinasabing karelasyon nito sa ngayon. Kahit daw magmistulang P.A. si host/comedian sa pagsama-sama sa mga shows ng hunk actor, deadma lang ito at enjoy na enjoy sa kanyang ginagawa.
At kahit nga marami ang kumukuha sa serbisyo nito para mag-guest sa iba’t ibang TV shows, hindi ito nanghihinayang na tanggihan kapag may kasabay na commitment ang guwapitong hunk actor.
Kung sa bagay, hindi na rin naman magugutom si host/comedian kung hindi mag-showbiz dahil successful naman ang kanyang mga business at marami-rami rin naman ang naipon nito mula sa kanyang pagho-host at pag-aartista noong kasagsakan ng kanyang kasikatan.
Marami lang ang nanghihinayang dahil henyo ito at talaga namang magaling sa kanyang propesyong pagho-host at pagiging komedyante. ‘Yun nga lang, ‘pag puso na talaga ang umiral, wala nang makapipigil dito at talaga namang marami ang naapektuhan at napapabayaan.
Ang suma total, inlababo talaga ang host/comedian sa hunk actor at dito lang umiinog ang kanyang mundo. Tumpak at korak! ‘Yun na!
John’s Point
by John Fontanilla