ANG MGA MACHO at ma-titipunong Davao, kasama ang kani-kanilang pamilya, ay dumagsa sa Qualifying Round ng nationwide TRUST Bunong Braso Challenge na idinaos noong ika-25 ng Hunyo sa People’s Park sa Davao City. Sa katunayan, ang ilan sa mga nagsagupaan sa challenge ay magkakapatid at magkakamag-anak.
Sa labing-anim na kalalakihang nagtagisan sa Heavyweight Division, ubos-lakas sa pagtodo ng kanyang kakaya-nan si Edward Dullin Buenaflor at isa-isang itinumba ang mga kalaban sa dibisyon. Sa huli, naging kampeon si Edward Dullin “D Rock” Buenaflor, samantalang sina Eric “Roque” Padayhag at Christian “Choy” Calbonero ang nanalo bilang second at third placers. Sina Buenaflor at Padayhag ang kakatawan sa Mindanao region sa Grand Finals sa Agosto.
Sa Lightweight Division, naging mainitan din ang labanan ng labing-anim na challengers. Makailang beses naghiyawan ang madla sa pagsuporta sa mga Bunong Braso Challengers, hanggang sa makilala ang top three sa dibisyon. Nagwagi sina Aian Morales (first place), Reynaldo Ybarra (second place), at Ariel “Moya” Bernales (third place). Sina Morales at Ybarra ang aabante sa championship sa Agosto para katawanin ang Mindanao sa Lightweight Division.
Sa Cebu naman, bumuhos man ang malakas na ulan nang ganapin ang TRUST Bunong Braso Challenge sa Pahina Central sa Cebu City noong ika-2 ng Hulyo, dumagsa pa rin ang mga tao sa lugar na pinagdausan ng kompetisyon at masasabing ang ginanap na Qualifying Tournament sa Cebu ng nationwide challenge ang isa sa pinakamalaki ang bilang ng mga nanood.
Sa labing-anim na kalalakihang nagtagisan sa Heavyweight Division, apat na magkakamag-anak na Buenaflor ang nagbuno para sa unang puwesto. Pero kahit magkakapa-milya, todo sa tindi ang labanan. Sa huli, naging kampeon si Brendon “Big Boy” Buenaflor, at ang kapatid niyang si Bo Edward “Stallion” Buenaflor ang second placer, samantalang third placer si Alvin “Macho Papa” Bagan. Ang mag-utol na sina Big Boy at Stallion Buenaflor ang aabante sa Grand Finals upang katawanin ang Visayas sa Heavyweight Division.
Sa Lightweight Division, marami ring magkakamag-anak sa labing-anim na mainit na naglaban-laban. Sa huli, umangat sa top three sina Rod Felix “Ball Man” Dullin (first placer), Peter June “Mr. Big” Ba-ladjay (second placer), at Johnny Polancos “Rambo” Ababon (third placer). Sina Dullin at Baladjay ang kakatawan sa Visayas sa Lightweight Division.
Isang Qualifying Tournament na lamang ang natitira at idadaos ito sa Quezon City sa Hulyo 23, bago ang pinaka-aaba-ngang Grand Finals sa ika-6 ng Agosto, kung saan ay tatanggapin ng mga tatanghaling kampeon sa heavyweight at lightweight divisions ang tumatagin-ting na P100,000.00! Higit pa rito, inaasahan din ang pagdalo ng ating idol na si Robin Padilla sa huling Qualifying Tournament at sa Grand Finals.
Para sa mga karagdagang detalye at iba pang impormasyon kung paano sumali sa TRUST Bunong Braso Challenge, mag-text o tumawag sa numerong (0917)909-9090 para sa Globe at Touch Mobile subscribers, sa nume-rong (0949)323-6788 para sa Smart at Talk n Text at sa numerong (0932)527-4228 para sa Sun Cellular subscribers. Maaari rin kayong sumulat sa e-mail address na [email protected].
Clickadora
Pinoy Parazzi News Service