UMABOT SA ika-pitong langit ang ating panghihinayang sa maagang pagpanaw ni DILG Sec. Jesse Robredo. Panghihinayang sa pagkabatid natin na sa kalagitnaan ng mabahong korapsyon at iba pang katiwalian sa ating bansa ay napagkakalooban tayo ng isang lider na angat sa mga ito. Na lumaban at nagpamalas ng tahimik na halimbawa na kaya nating baguhin ang bulok na kultura at sistema. Tahimik siyang naghandog ng pag-asa. At ang binhi ng pag-asa ay unti-unti nang nagbunga. Ngunit nakialam ang tadhana.
Singkad na 18 taon na lingkod-bayan si Jesse. Paglilingkod na lapat ang paa sa lupa. Nagsakripis-yo ng mapakinabang na executive career sa isang pribadong kumpanya at tumugon sa hamon ng paglilingkod sa kanyang siyudad.
Kung anong hirap sa buhay na pumasok sa pulitika, mas mahirap pa siyang lumabas sa lara-ngang ito. Simpleng pamumuhay ngunit super na paglilingkod sa maliliit at interes ng good governance.
‘Di siya komportable sa palamuti ng kapangyarihan. Pagkatapos ng kanyang termino, mi-nabuti niyang mag-aral pa sa Harvard. ‘Di kagaya ng iba, ‘di niya pinapasok sa pulitika ang kanyang maybahay na walang dudang magtatagumpay. Ang kanyang tahanan ay ‘di larawan ng isang taong matagal sa ningning ng kapangyarihan.
‘Pag weekends, balik siya sa dating gawi na pumasyal sa kanyang siyudad na naka-tsinelas at T-shirts. Kung minsan naka-bisikleta at nakipag-ugnayan sa mga dukha at maliliit, dinidinig ang kanilang daing at suliranin.
Kung meron pang ika-siyam na langit, dapat hanggang doon dumating ang ating paghihinayang. ‘Di natin masasaklawan ang karunungan ng Maykapal. Nagbigay Siya sa atin ng handog at itong handog ay Kanya ring binawi. Subalit ang handog na ito nag-iwan ng binhi.
SAMUT-SAMOT
AYON KAMI sa pagkahirang kay Rep. Joseph Abaya bilang DOTC Secretary. Academically and professionally qualified, bagong mukha at dugo at malawak na ang karanasan. May dugo rin ng bayani. Great grandson siya ni Gen. Emilio Aguinaldo. Tahimik at efficient worker as Chairman ng House Approriations Committee. Umaasa kami na bibili-bilis na ngayon ang pagsasagawa ng maraming PPP projects ng DOTC na natulog sa panahon ni Roxas.
SA KABILANG dako, halata na may bahid pulitika ang paghirang kay Mar Roxas bilang kapalit ni late Jesse Robredo. Pinatunayan lamang ito na may balak siya sa 2016. Return bout marahil sila ni VP Jojo Binay. Hindi impressive ang stint niya sa DOTC. Sa katunayan, maraming nabinbin na projects dahil diumano sa kabagalang magdesis-yon. Masyado yatang overrated si Roxas. Bilang mambabatas, outstanding. Subalit question mark as an executive.
NAPAKAHABA. BIRO natin, 18 taon as Chief Justice. Maaaring wala na tayo sa mundo nariyan pa si Lourdes Sereno. Ito lamang ang misgivings ko. From the start, talagang si Sereno na ang choice. Pinaikut-ikot lamang tayo ng Pangulo. Bulatlatin natin ang stand niya sa Luisita issue. ‘Di ba anti-farmer siya. But let’s give her a chance.
KAMAKAILAN, SINAMAHAN ko si dating Pangulong Erap sa Adamson University. Guest speaker siya sa isang faculty convocation. Grabe pa rin ang hatak ni Erap lalo na sa mga kabataan. Kailangang alerto ka sa dagsa ng mga taong gustong makakamay at makipagpa-picture taking sa kanya. He was introduced as the next Mayor of Manila. Tumawa lamang siya at pabirong winika na hindi pa nagkakampanya sapagkat “mahina ang kalaban”. Naghumiyaw ang palakpakan at sigawan.
NAKATUTOK AKO tuwing Sabado sa “Magpayo Kayo” program sa DZMM ni U.E. Dean Amado Valdez. Consensus-building ang format ng programa. Mga inputs ng nakikinig ay pinagsama-sama sa mga burning issues. Ganito sana ang lahat ng public affairs programs. Responsible at ‘di negatibo.
‘DI NA nakakatawa ang sitwasyon. Ang BI ay lagi na lang natatakasan ng high-profiled criminal elements kagaya diumano ng magkapatid na Joel at Mario Reyes. Heads should roll! The responsibility ends with DOJ Sec. Leila de Lima. She should be investigated.
VERY ENGAGING political figure si Manila Vice-Mayor Isko Moreno. Matagal kaming nag-usap sa bahay ni dating Pangulong Erap nu’ng nakaraang linggo. Inamin niya na malaki ang tsansa nila ni Erap laban sa tandem ni Manila Mayor Fred Lim sa susunod na eleksyon. 70-30 ang ratio ayon sa SWS, Pulse Asia at Gallup poll surveys. Subalit kakayod pa rin sila. Mahirap na raw mag-relex o maging complacent.
PASOK NA SA UNA senatorial tiket si former Senate Pres. Ernie Maceda at dating senador Dick Gordon. Sa mga surveys, kasama sila consistently sa Magic 15. Kailangan pa ang karanasan at katalinuhan ng dalawa sa Senado. Panahon na para di na tayo maghalal ng artista at iba pang characters. Aksaya lamang ang mga ito sa kaban ng bayan. Alam na ninyo kung sino ang tinutukoy ko.
SALAMAT SA Poong Maykapal na ‘di cancerous ang kidney cysts ni Zsa Zsa Padilla. Ganyon din sa pagkaligtas ng aking media friend, Jess Antiporda, sa colon cancer. Kapwa sila inoperahan at negatibo ang resulta. Bago ang surgery, ibinida ni Jess na taimtim siyang nagdasal sa Nazareno sa Quiapo. Kahit bumabaha, nagsimba siya at taimtim na nagdasal. Siya ay pinaunlakan. Maraming ga-nitong milagro ang nagaganap sa Quiapo Church. Ganyan din sa Baclaran Church na dinadagsa ng namamanampalatayang mga deboto. Ask and you shall receive Just have faith.
WATER THERAPY. Ito pa rin ang old-fashioned health antidote. 12 o 16 baso maghapon ay kai-langan para ‘di tayo ma-dehydrate. Ang pinanggagalingan ng sakit ay dehydration. 80% laman ng katawan ay tubig.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez