ANG TSISMIS TALAGA ay walang pinipiling lugar. Kahit saan, talamak ang tsismisan. Kasabihan nga na habang nalulugmok ang ekonomiya ng isang bayan ay lalong nalululong ang taumbayan sa tsismis.
Sa isang malungkot na kapaligiran sa showbiz ngayon dahil sa magkasunod na pagpanaw nina Johnny Delgado at Bernard Bonnin, naging pulutan naman ang istorya nina Manny Pacquiao at Krista Ranillo.
Mahihina nga lang ang usapan bilang respeto sa mga nangungulila, pero nagpipista ang marami sa burol. Ang sentro ng kanilang kuwentuhan ay ang makasaysayang relasyon ng makasaysayan ding Pambansang Kamaong si Pacman sa kinambalan na ng taguring “Pambansang Kulasisi” na si Krista Ranillo.
Sabi pa ng isang aktres na nandu’n, “Parang namatayan rin ngayon si Jinkee Pacquiao, dahil nakarating na pala sa kanya ang mga ebidensiya ng relasyon nu’ng dalawa!”
At kung silang tatlo ang sentro ng kuwentuhan, natural lang na maraming taga-showbiz din ang nagtatanong kung ano ang ginagawa ngayon ng mag-asawang Mat Ranillo III at Lynda Tupaz tungkol sa pagkakasangkot ng kanilang anak sa isang lalaking pamilyado na?
May isang matipunong aktor na nagbigay ng ganitong pahayag, “Kung totoo ang mga kuwentong kumakalat ngayon na tino-tolerate nila ang relasyon, maraming kailangang ipaliwanag si Archie. Hindi maganda ang nabubuong image nila sa publiko ngayon.”
Pero biglang may dumating. Parang may nagdaang pari nu’ng pumasok sa chapel ang isang pamosong aktres na may kuneksiyon sa isyu ng bayan ngayon. Biglang tumahimik ang kapaligiran, maraming nagpapakiramdaman.
Sa isang iglap lang, pinalibutan na ito ng kanyang mga kapwa artista, sila-sila na ang nagbubulungan. Ang maririnig na lang na komento sa paligid ay “I told you so!”
Kaya walang pinipiling lugar ang tsismisan. Ano bang sa palengke, opisina at sa mga puno ng hagdanan lang uso ang pagpipista sa buhay ng may buhay? Pukyutan din ng tsismisan ang mga lamayan.
MAY ISANG PERSONALIDAD na nagbubunyi ngayon ang kalooban dahil sa ipinataw na parusa ng PRC (Professional Regulations Commission) kay Dr. Hayden Kho sa pagpapatanggal-pagkakansela sa lisensiya nito.
Walang ibang ipinaglalaban noon si Senador Bong Revilla, Jr. kundi ang maparusahan ang doktor sa hanay na kinabibilangan nito, hindi magiging masaya ang aktor-pulitiko sa basta suspensiyon lang ng PMA (Philippine Medical Association). Kanselasyon ng lisensiya ng doktor ang ipinaglalaban ni Senador Bong.
Naging matibay na moog na sandalan ni Katrina Halili noon ang senador. Siya lang ang nag-iisang nakipaglaban para sa kapakanan ni Katrina at ng iba pang kababaihang nakaladkad ang pangalan sa pinagpistahan ng bayang sex video scandal. Maraming kumalaban noon sa aktor-pulitiko pero walang nagtagumpay na pigilan siya.
“Pakiramdam ko ngayon, nakuha na ni Katrina ang hustisya, nangyari na ang matagal niyang hangad na sana, matanggalan ng lisensiya si Hayden Kho.
“Kahit naman ako, very open na nu’n sa pagsasabing hindi lang suspensiyon ang dapat ipataw sa kanya. Ang mabawian siya ng lisensiya ang mas nararapat, dahil sa ginawa niya.
“Tapos na ang partisipasyon ko sa issue, nasabi ko na ang gusto kong sabihin, hindi ko iniwan sa laban si Katrina, kaya ang iba pang aksiyon, iniiwanan ko na sa korte,” diretsong pahayag ng magiting na senador.ANG TSISMIS TALAGA ay walang pinipiling lugar. Kahit saan, talamak ang tsismisan. Kasabihan nga na habang nalulugmok ang ekonomiya ng isang bayan ay lalong nalululong ang taumbayan sa tsismis.
Sa isang malungkot na kapaligiran sa showbiz ngayon dahil sa magkasunod na pagpanaw nina Johnny Delgado at Bernard Bonnin, naging pulutan naman ang istorya nina Manny Pacquiao at Krista Ranillo.
Mahihina nga lang ang usapan bilang respeto sa mga nangungulila, pero nagpipista ang marami sa burol. Ang sentro ng kanilang kuwentuhan ay ang makasaysayang relasyon ng makasaysayan ding Pambansang Kamaong si Pacman sa kinambalan na ng taguring “Pambansang Kulasisi” na si Krista Ranillo.
Sabi pa ng isang aktres na nandu’n, “Parang namatayan rin ngayon si Jinkee Pacquiao, dahil nakarating na pala sa kanya ang mga ebidensiya ng relasyon nu’ng dalawa!”
At kung silang tatlo ang sentro ng kuwentuhan, natural lang na maraming taga-showbiz din ang nagtatanong kung ano ang ginagawa ngayon ng mag-asawang Mat Ranillo III at Lynda Tupaz tungkol sa pagkakasangkot ng kanilang anak sa isang lalaking pamilyado na?
May isang matipunong aktor na nagbigay ng ganitong pahayag, “Kung totoo ang mga kuwentong kumakalat ngayon na tino-tolerate nila ang relasyon, maraming kailangang ipaliwanag si Archie. Hindi maganda ang nabubuong image nila sa publiko ngayon.”
Pero biglang may dumating. Parang may nagdaang pari nu’ng pumasok sa chapel ang isang pamosong aktres na may kuneksiyon sa isyu ng bayan ngayon. Biglang tumahimik ang kapaligiran, maraming nagpapakiramdaman.
Sa isang iglap lang, pinalibutan na ito ng kanyang mga kapwa artista, sila-sila na ang nagbubulungan. Ang maririnig na lang na komento sa paligid ay “I told you so!”
Kaya walang pinipiling lugar ang tsismisan. Ano bang sa palengke, opisina at sa mga puno ng hagdanan lang uso ang pagpipista sa buhay ng may buhay? Pukyutan din ng tsismisan ang mga lamayan.
MAY ISANG PERSONALIDAD na nagbubunyi ngayon ang kalooban dahil sa ipinataw na parusa ng PRC (Professional Regulations Commission) kay Dr. Hayden Kho sa pagpapatanggal-pagkakansela sa lisensiya nito.
Walang ibang ipinaglalaban noon si Senador Bong Revilla, Jr. kundi ang maparusahan ang doktor sa hanay na kinabibilangan nito, hindi magiging masaya ang aktor-pulitiko sa basta suspensiyon lang ng PMA (Philippine Medical Association). Kanselasyon ng lisensiya ng doktor ang ipinaglalaban ni Senador Bong.
Naging matibay na moog na sandalan ni Katrina Halili noon ang senador. Siya lang ang nag-iisang nakipaglaban para sa kapakanan ni Katrina at ng iba pang kababaihang nakaladkad ang pangalan sa pinagpistahan ng bayang sex video scandal. Maraming kumalaban noon sa aktor-pulitiko pero walang nagtagumpay na pigilan siya.
“Pakiramdam ko ngayon, nakuha na ni Katrina ang hustisya, nangyari na ang matagal niyang hangad na sana, matanggalan ng lisensiya si Hayden Kho.
“Kahit naman ako, very open na nu’n sa pagsasabing hindi lang suspensiyon ang dapat ipataw sa kanya. Ang mabawian siya ng lisensiya ang mas nararapat, dahil sa ginawa niya.
“Tapos na ang partisipasyon ko sa issue, nasabi ko na ang gusto kong sabihin, hindi ko iniwan sa laban si Katrina, kaya ang iba pang aksiyon, iniiwanan ko na sa korte,” diretsong pahayag ng magiting na senador.
Cristy Per Minute
by Cristy Fermin