MAY MALAKING pagbabago sa longest running gag show ng bansa na Bubble Gang. Simula ngayong May 27 ay may major ‘relaunch’ na magaganap sa nasabing Friday night favorite.
Magbabalik na sa studio si Michael V. pagkatapos ng halos dalawang taon ng pagwo-work from home. Sa mga long Bubble Gang mainstays ay iilan lamang sa kanila ang ‘nag-survive’ sa ‘tsugian’ na nangyari sa programa. Ang mga masuwerteng napili para manatili sa programa ay sina Paolo Contis, Betong, Archie Alemania, Sef Cadayona, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Analyn Barro, Faye Lorenzo at Kokoy de Santos.
Yes, ang ilan sa mga ‘iconic’ mainstays ng programa ay tinanggal na sa programa. Nakakalungkot, pero walang forever!
Sa pag-alis ng mga dating miyembro ay may tatlong idadagdag. ‘Yan ay ang veteran singer/actress na si Tuesday Vargas (na sa totoo lang ay namiss namin!), ang talented Korean na marunong magtagalog na si Dasuri Choi at ang Starstruck 7 Ultimate Male Survivor and Kapuso rising actor na si Kim De Leon. Hindi lang kami sure kung kasama ba talaga si Faith Da Silva bilang permanent member dahil hindi kasama ang beautiful face and body nito sa formal pictorial ng programa.
Kunsabagay, karamihan naman sa mga tsinugi sa Bubble Gang ay may kani-kanyang raket sa GMA, kaya siguro okay lang sila na mag-give way… nga ba? Haha! Maritessssss, anong latest?!
Hahatulan na ngayong Biyernes, May 27 kung worth it ba ang pagbabagong ito sa Bubble Gang.