MINARAPAT KONG I-REPRINT ang liham na ito ni Amy tungkol sa mga pangamba niya at ng kanyang asawa sa deployment ban ng POEA sa 41 bansa. Kasama ang Chad sa mga bansang ito na ipinagbabawal na ang pagpapasok ng OFW:
“My husband has been working for 5 years now under American company Brunel Energy (ESSO) in Chad, Africa. Our family have been blessed by God with this job, and has been a channel of blessings to the needy relatives, neighbors and lost souls. The company has been very supportive of their employees welfare in terms of Malaria Visa, requiring Malaria medicines, safe housing for workers. including safety plans from rebel groups as well as Insurance coverage of 2 Million Dollars in case something happens to them while at work. Pero itong Chad ay nakasama sa listahan ng 41 bansa na banned na ang deployment. Paano na po ang mangyayari sa aking asawa?
NAKAPANAYAM KO KAHAPON si POEA Administrator Carlos Cao at narito naman ang katugunan niya sa mga concerns na tulad nito:
Una, ang deployment ban ay para sa hinaharap — para sa mga bagong aplikante sa mga trabaho sa nasabing 41 bansa. Ang mga may umiiral nang kontrata o nagtatrabaho na sa nasabing mga bansa ay hindi apektado ng ban at maaari pang magpatuloy sa pagtatrabaho.
Pangalawa, ang mga manggagawa sa mga global companies o malalaking kumpanya na may mga foreign employer ay hindi rin apektado ng ban kahit pa sila nag-o-operate sa nasabing 41 bansa. Ito ay dahil ang malalaking kumpanyang ito ay sumusunod naman sa mga batas tungkol sa paggawa.
Kaya ang mga kaso katulad ng asawa ni Amy o iba pang ganoon din ang kalagayan ay pumapasok sa exception sa nasabing deployment ban.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo