KAHAPON AY nakapanayam ko sa radio program ko si Director Vivian Torrnea ng OWWA na siyang may hawak sa Reintegration Program nito. Ang programang ito ay may pondong P2 bilyon para sa livelihood assistance para sa mga OFW at dating OFW. Narito ang kanyang tugon sa ilang tanong mula sa mga OFW:
Bakit kailangan pa ang collateral bago makapag-loan ang isang OFW?
OWWA: Hindi collateral ang tawag doon kundi security. Maaa-ring ito ay lote, bahay, sasakyan o iba pang maaaring isangla. Kailangan ito para matiyak na magagamit sa tamang paraan ang loan at para lumago pa ang pondo na maaaring i-avail ng mga aplikante.
Bakit kailangan pa ang business plan o feasibility study bago ma-approve ang loan?
Ito ay para matiyak na pinag-aralan muna nang husto ng OFW ang negosyong nais niyang pasukin. Kapag hindi umunlad ang negosyo, magkakaproblema siya sa pagbabayad sa utang at maaapektuhan ang pondo na maaari sanang gamitin pa ng ibang aplikante.
Hindi ba mahal ang paggawa ng business plan?
Maaari itong gawin ng sinumang aplikante nang walang bayad. Ang OWWA, sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry, ay nagdaraos ng libreng seminar sa paggawa nito.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo