MUKHANG MALI ANG pa-kikipag-usap ni Pangulong Noynoy sa liderato ng MILF sa Tokyo. Inulit niya ang kamalian ng kanyang nasi-rang ina, dating Pangulong Cory, sa pakikipag-usap kay Nur Misuari sa Tripoli nu’ng 1998. Matatandaan na dahil dito, lalong lumubha ang secessionist movement sa Mindanao.
Sino ang nagpayo sa Pangulo?
Tama ang obserbasyon ni dating Pangulong Erap. Mahigit nang apat na dekada ang problema sa Mindanao. Walang katapusan ang peace talks. Walang nangyayari. Dapat may time frame ang pag-uusap.
Isa o dalawang taon. Pagkatapos, magkaalaman na. Katakut-takot na gastos at buhay ang nabubuwis. Pagod na tayong lahat. Non-negotiable sa Constitution ang separatist state. ‘Yan ang pinag-uutos ng Saligang Batas. Malinaw.
Sa ngayon, maraming factions ang MILF. Sino ang tunay na lider? Si Murad ba o Kato? Magulo. Sa aking pananaw, nahulog ang Pangulo sa isang patibong. Mahirap na siyang makakaahon. Samantala, patuloy ang digmaan. Patuloy ang paghihirap ng lubha nang naghihirap na mamamayan.
At bakit nakikialam ang isang kalapit bansa sa ating internal problem? Sampal sa ating mukha. Wala na yata tayong natitirang kahihiyan.
Nakakita na ba kayo ng tuko sa sampayan? ‘Yan ang situwasyon ng peace talks sa Mindanao.
SAMU’T SAMOT
RELAX LANG, ATTY. Raul Lambino. Walang nakikipag-away sa ‘yo. Puwede mo namang sabihin nang maayos at ‘di pagalit ang panig ni dating Pangulong Gloria sa mga isyung ibinabato sa kanya. Imbes na makatulong ang iyong pagtatanggol, lalong nakakasama. Without surrender, magpakumbaba ka. Iba na ang nasa puwesto ng kapangyarihan. Talagang ganyan. Weather-weather lang.
WALANG BATAS NA nagbabawal sa mga high public officials na lumabas sa TV variety shows o comedy programs. Subalit may tinatawag tayong delicadeza. Halimbawa, ikaw ay isang senador. Kaaya-aya bang lumabas ka bilang isang host sa ganitong uri ng TV programs? ‘Di ba labag ito sa delicadeza? Nagtatanong lang.
WALA NA YATANG ligtas na lugar sa buong Kamaynilaan. Araw-araw, laman ng tri-media ang lahat ng uri ng krimen lalo na ang carnapping sa Quezon City. Nasaan si ES Jojo Ochoa, ang anti-crime czar? ‘Yan ang sinasabi ng marami. Sobrang overloaded sa trabaho si ES. ‘Di na kayang gampanan ang full-time job ng isang anti-crime czar. Bakit ‘di subukan si Davao City Mayor Sara Duterte? Matapang ‘yan. Parang si nasirang FPJ. Rapid fire manuntok. Tiyak na matatakot ang mga kriminal.
KARMA BA ANG nangyayaring financial crisis sa Amerika? Sa ngayon, ang sumusulpot na world power ay China. Ang almighty dollar ay bagsak na. Parang Tower of Babel na dinurog ng Diyos. Sa maraming parte ng bansa pinahihintulutan ang marriage of the same sex. Pinagbabawal ang paglalagay ng Bibliya sa paaralan. Pinahihintulutan ng batas ang abortion. At marami pang kasalanan at kamunduhan na mahahalintulad sa nangyari sa Sodom at Gomorrah.
Spiritual Quotes of the Week:
“Do you have an ‘exit’ plan? Judging from the way some people are living in this world, it seems that they have no plan to exist at all. We all will, surely. Are you ready for this? Do you have an ‘entrance’ plan? Judging from the way some people are living in this world, it seems that they have forgotten heaven, their final destination. We are all invited, surely. Are you preparing for it?”
“Typographically speaking, ‘words’ and ‘wounds’ have only two letters that make them different from each other. But in reality, what a world of difference ‘words’ and ‘wounds’ can make in our lives. Words can cause wounds. Words can heal wounds. What can come in handy relationships is the simple ‘band-aid’. Every husband and wife should have one in the car or in the room to remind them to shut up or cool down when an argument or a quarrel starts brewing. The ‘band-aid’ can become a ‘bond-aid’.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez