Tula mula sa isang OFW

ISANG OFW ANG nagpadala ng isang tula na alam kong mula sa kanyang puso. Kaya minarapat kong ilathala sa kolum kong ito. Narito ang kanyang tula:

PANAGHOY NG OFW

Kami na nag-aalaga ng mga matatanda na di namin kakilala

Ay ‘di man lang magkapanahon na mag-alaga sa aming pamilya.

Kami na kumakalinga sa mga anak ng may anak

Ay ‘di man maiduyan ang a-ming sariling mga anak.

Kami na nagpapawis sa pagtatayo ng matatayog na gusali at bahay

Ay ‘di man makapagpatayo ng disenteng tahanan.

Kami na nag-aaruga ng mga maysakit sa dayuhang lupain

Ay ‘di man makapagpadala ng pampagamot sa maysakit sa amin.

Kami na nagluluto ng masasarap para sa aming mga amo

Ay kadalasang hinahagisan lang ng mga mumo.

Ang hangad nami’y hindi awa

Ang nais nami’y hustisya.

Ni hindi namin habol na tawaging mga bayani

Dahil iya’y salita lamang  samantalang kami’y inaapi.

Nagsasampa kami ng yaman sa buong bansa

Gayundin ang ambag namin sa ibang bansa.

Ang hiling nami’y itrato kaming tao

At hindi lang iniluluwas na produkto.

Sapagkat sa isang pagtingin sa kasaysayan ng mundo

Ang pawis at talino ng maliliit ang maylikha rito.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleSa kundisyong ‘di masyadong ipu-push si Angeline Quinto? Sarah Geronimo, pumirma na ulit ng kontrata sa dos!
Next articleDaiana Menezes, ayaw magpakasal kay Direk GB Sampedro!

No posts to display