NAG-IISA lang talaga si Judy Ann Santos. Hanggang ngayon ay walang kupas pa rin ang Young Superstar / Original Pinoy Teleserye Queen sa kanyang galing sa pag-arte. Napatunayan niya ito sa kanyang comeback TV project na ‘Starla’ at sa katatapos lang na 2019 Metro Manila Film Festival kung saan umani ng maraming parangal ang pelikulang pinagbidahan niya na ‘Mindanao’.
Katulad ng inaasahan ng karamihan, mas kaunti ang sinehan ng apat na independent films na kasama sa MMFF. May pag-asa lang ang ibang pelikula na bigyan ng espasyo sa malalaking sinehan kung ito’y mapansin ng MMFF Jury noong December 27. Hindi kataka-taka na naiuwi ni Juday ang Best Actress award.
Napanood ko ang pelikulang ‘Mindanao’ noong December 31 sa isang sinehan sa Muntinlupa at impressed kami sa narrative flow ng pelikula. Buti na lang at mahigit sa kalahati ng sinehan ang occupied. Ibig sabihin, marami rin ang nasabik at na-curious para panoorin ang pelikula.
Kung noong first four days ng MMFF ay halos lumuhod ang Team Mindanao para lang hindi ma-pull out ang kanilang pelikula at sana’y madagdagan pa lalo na sa mga probinsya, ngayon ay umabot na sa 100+ cinemas nationwide ang nagpapalabas ng ‘Mindanao’.
Post ni Juday: Ayan na!! Nadagdagan na movie tgeaters ng mindanao!! ?? may chance pa pong mapanood ang aming munting pelikula!
Congratulations Juday at sa Team Mindanao! Maliban sa aktres ay deserving din sa kani-kanilang acting awards sina Best Actor awardee Allen Dizon at Best Child Performer Yuna Tangog. Happy din kami dahil sa lahat ng pelikula ni Direk Brillante Ma. Mendoza ay itong ‘Mindanao’ ang pinaka-accessible sa lahat.