AKALA ng marami na sa pagpanaw ng TOFarm Film Festival Director na binuo ni Direk Maryo J delos Reyes at Dr. Mila O. Haw na isang socio-entrepreneur ay magtatapos na rin ang kakaibang film festival na naka-focus ang mga entries ng pelikula sa buhay ng mga magbubukid, mangingisda at mga manggagawa sa agrikultura na ang buhay at tagumpay ay tinatalakay sa mga full length at short films na kalahok sa naturang filmfest.
Sa isinagawang announcement kahapon ng tanghali ng TOFarm Film Festival, pinangalanan sina Bibeth Orteza at Joey Romero bilang mga Festival Advisers at si Laurice Guillen bilang Consultant.
Wala pang pinangalanan na Festival Director ang TOFarm na nsiyang papalit sa naiwanang puwesto ni Direk Maryo J.
Ang naturang film festival ay magaganap simula September 12 to 18 with the awards night on September 15.
Sa isinagawang announcement, binanggit din na tatanggap na ng mga entries simula ngayon hanggang April 20, 2018.
Para sa mga detalye sa mga interesadong sumali, please check www.tofarm.org para sa rules and regulations at mechanics para sa mga magsa-submit ng kanilang entry.
Narito ang mga schedules para sa ToFarm Film Festival:
April 20 (Deadline of submission of entries); May 9 (Announcement of Shortlist); May 17-18 (Pitching of Shortlist); May 23 (Announcement of winners); September 12-18(Theatrical Screening) at on September 15 magaganap ang Awards and Closing Festival).
Ang 7 finalist na mapipili will receive a seed production grant of Php 1,500,000.00.
Sa mananalo as Best TOFARM Film 2018 ay tatanggap ng P500,000.00 at trophy while ang 2nd Best Film will receive P400,000.00 at trophy at P300,000.00 at trophy naman ang matatanggap ng mananalo sa Maryo J. delos Reyes Special Award.
Reyted K
By RK Villacorta