EXISTING pa ba ang OMB (Optical Media Board) na dati-rati ay very visible sa publiko ang mga gawa nilang pagre-raid sa mga pirata?
Noong panahon ng aktor na si Edu Manzano, very active ang opisina niya sa pangre-raid sa mga manufacturers ng mga pirated DVD at sa mga nagtitinda bg nga produkto ng mga pirata.
Last week, akala ko sa sinehan ko mapapanood ang Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, yun pala, sa libreng pa-sine ng isang bus company na may terminal sa Cubao along EDSA sa biyahe ko patungong Manila ay solb na ako dahil malinaw na malinaw nang kopya na pini-play sa loob ng bus na lulan ako.
Walang gasgas or dumi ang kopya ng piniratang pelikula nina KathDen na umabot na halos sa P800M na ang kita as of today, August 25, 2019 ay umabot na sa P838,514,353 ang ipinasok sa takilya na sa konting indak na lang ay halos 1 Billion na ang box-office returns.
Kung idadagdag ang libreng palabas sa bus, free online link at mga pirated DVDs, malamang naka-isang bilyon na ang kinita ng pelikula.
Kuwento ng kaibigan ko na taga-Cubao, nagkalat ang mga pirated DVD ng pelikula sa Farmer’s Plaza na ewan ko, madali lang naman hulihin ang mga ito pero deadma ang OMB at tatamad-tamad na dapat ay trabaho nila ang pigilan ang pamimirata dahil sanhi din ito sa pagbagsak ng movie industry.
Ang latest, Dahil sa walang kumikilos para tigilan ang pamimirata in all forms, tila happy ang mga clients ng pirated DVD’s ng Hello Love, Goodbye dahil imbis magbayad sila ng almost P300 pesos each na binubuo ng limang member ng pamilya (that’s Php 1,500 na minus them erienda at pamasahe); sa halagang P20-25 ay makakapanood na ang isang pamilya kasama ng mga kapitbahay (o baka buong barangay pa).
Balita nga namin may pa-private screening sa Bitas, Tondo, sa presyong P5.00 per person (for adults) and P1 for kids below 11-12 years old ay kumita pa ang bumili ng piniratang DVD ng pelikula nina Kathryn at Alden.
Reyted K
By RK Villacorta