Ilang tulog na lang ay Pasko na naman. Parang kailan lang ay nag-uumpisa pa lang ang taon but in just a few weeks, we will be welcoming 2010. Marami man tayong mga pinagdaanang pagsubok these recent months, pero huwag sana itong maging hadlang para ipagdiwang natin ang kapanganakan ni Bro na siyang tunay na diwa ng Pasko.
Pinoys are moving on. Families are decorating their homes either with a small lantern or Christmas displays that dazzle the eyes like at Policarpio Street in Mandaluyong City. We are already hearing Christmas carols inside the malls and on the radio. Malls are bedecked with giant Christmas trees and colorful decor and glitzy lights. People flock to bazaars and tiangges na talaga namang mabentang-mabenta tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Siyempre, hindi rin magpapahuli ang mga department stores na may mga Christmas sale.
Sabi nga nila, ang Pasko ay para sa mga bata. With his stocky frame, Santa Claus is a well-loved figure among kids. I also believed in Santa Claus when I was a kid. I would hang a pair of socks by our window and slept early at night so Santa could bring gifts to our house unnoticed. Kapag ginising na ako ni Nanay para sa aming Noche Buena, agad kong tinitingnan ang aking mga medyas para sa mga regalo ni Santa. Hindi naman ako binibigo ni Santa at hanggang ngayon, he continuous to be generous.
Sa showbiz, nandiyan naman ang annual Metro Manila Film Festival (MMFF) with this year’s eight official entries: Mano Po 6: My Mother, I Love You, Goodbye, Shake, Rattle and Roll XI, Nobody, Nobody but Juan!, Ang Darling Kong Aswang, Panday and Wapakman. Also highly-anticipated during the festival are the colorful floats of each entry during the annual parade.
ABS-CBN recently kicked-off the holiday season with a parol-lighting ceremony at kasabay nito ang premiere ng five-minute station ID na “Bro, Ikaw ang Star ng Pasko” which features ordinary people and Kapamilya stars led by ABS-CBN President Ms. Charo Santos-Concio.
With the recent onslaught of typhoons, sinasabing may ilang kumpanya ang hindi magkakaroon ng Christmas parties samantalang ang iba naman ay sisimplehan na lang ang kanilang selebrasyon. This is being sensitive to our fellow Filipinos who are still recovering from the disasters.
Sa aking palagay, may pera man o wala, may bagong damit o wala, may regalong natanggap o wala, may masasarap na pagkain sa hapag-kainan o wala, ang talagang mahalaga ay ang magkakasama kayo ng buong pamilya sa pagdiriwang ng Pasko. Huwag nating kalilimutan na si Bro ang talagang star ng Pasko at ng ating buhay.
Sabi nga ng kantang Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko, “Ngunit kahit na anong mangyari, ang pag-ibig sana’y maghari. Sapat nang si Hesus ang kasama mo. Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda