Tumbang Preso, atbp

‘PAG TAG-ARAW sa liwanag ng buwan, isa sa paboritong laro ng a-king kabataan ay tumbang-preso. Doon sa tapat ng aming bahay, takbo, hingal at halakhakan kaming magkakalaro sa loob ng isang malawak na parisukat na kinulayan ng puting chalk. Sinong maiwan sa gitna siya ang tinatawag na preso na hahabol sa lata ng gatas na aming binabato.

Hanggang ngayon, ‘di ko pa alam kung sino o saan naimbento ang laro. Dekada ‘50. Siyete anyos ako. Sa matahimik na San Pablo, Laguna. Bayan ng niyog at lansones.

Paborito ko ring laro ay patintero. Alam ninyo ito. ‘Di masyadong nakakapagod gaya ng tumbang preso. Lalaki at babae puwedeng sumali.

‘Pag tag-ulan, sungka ang kinahuhumalingan naming laro sa loob ng bahay. Pabilisan ng kamay sa paglalagay at pag-aalis ng sungka sa isang mahabang kahoy na lalagyan. Pitik-bulag, kung saan hinango ang titulo ng pitak na ito, ay masayang laro rin ng lalaki at babae.

Bakit ko biglang naalala ang mga ito? Napakalaki – at napakabilis – ang pinagbago ng mundo at panahon. Amazing ang advancement ng technology sa lahat ng larangan ng buhay at pagkabuhay. Naabot na ang buwan. At maaaring sa mga susunod na dekada, maabot na rin ang ibang mga planeta. Naging global village na ang mundo. Sa medisina, agrikultura, science at information, tinatamasa natin ngayon ang biyaya ng amazing technology.

Sa laro ng mga bata, winalis na ang tumbang preso at iba pa. Pinalitan ng computer games tulad ng PSP. Lahat halos ng bagay ay computerized na.

Subalit kung ako’y papipiliin, buhay dekada ‘60 pa rin ako. Sa liwanag ng buwan ‘pag tag-araw, ‘di ko ipagpapalit ang naiibang kaligayahan sa tumbang-preso o patintero. Matahimik na panahon. Simpleng kaligayahan at simpleng suliranin.

SAMUT-SAMOT

 

SA PAMAMAGITAN ng isang text, pinasalamatan ni Pangulong Noynoy si dating Pangulong Erap sa diumano’y pagsuporta ng huli sa paglaban sa katiwalian sa judiciary. Tinutukoy ang impeachment case ni CJ Renato Corona.  Statesman si Erap. At sa lawak at lalim ng kanyang karanasan sa paglilingkod sa bayan, ang kanyang pananaw at payo ay lubos na nakakatulong. Ang katunayan, si Erap ang unang tumuligsa sa katiwalian sa judiciary nang tawagin niyang “hoodlums in robes” ang ilang mga huwes. Dapat purihin si P-Noy sa kanyang mabilis na reaksyon kay Erap.  Nangangahulugang on top of the situation siya.

LINGID SA kaalaman ng marami, si Manila Vice Mayor Isko Moreno ay tumutulong sa mahigit na 280 na mahihirap na nangangailangan ng dialysis sa Maynila. Pinagkakalooban niya ng P4,000 bawat pasyente linggu-linggo. Mantakin natin ang kabuuan nito buwan-buwan. Bukas-palad si Moreno sa mga dukha. Alam niya kung papaano ang maging isang mahirap dahil galing siya sa ganyang sitwasyon. Malayo pa ang mararating niya sa public service.

ACTRESS DEMI Moore suffered convulsions and seemed unconscious after smoking an undisclosed substance before she was rushed to the hospital last week. According to her doctor, Demi smoked a substance called incense. Moore, 49, had been having difficulties in her marital life. She recently ended her marriage with fellow actor Ashton Kutcher, 33, following his alleged infidelity.

TAGUIG CITY will soon overtake Makati in progress and development. Scores of skycrapers and global business and expensive restaurants have moved over to the city. Dahil dito, tumatabo nang husto ang siyudad. Mahusay ang pamamalakad ni Mayor Lani Cayetano. Ang laking kinikita ng siyudad ay dapat gamitin sa delivery ng basic services. Dagsa pa ang mahihirap sa siyudad. At ang peace and order situation ay ‘di stable.

ANG STA. Rosa sa Laguna ay next in line. Mula sa isang underdeveloped sitio, ang Sta. Rosa ay naging ibayo ang progreso sa loob ng tatlong dekada. Big factories at business establishments at posh subdivisions ay nasa siyudad na. Nakaamba na rin ang Calamba City sa pamumuno ng mga Chipecos. Ganito rin ang inaasam ng mga mamamayan ng Sto. Tomas, Batangas sa mahusay na pamamalakad ni Mayor Atong Federico.

DIABETES IS one ailment which you don’t even want to wish to be your worst enemy. Napakadelikado at kumplikadong sakit. Ikamamatay mo ay ‘di diabetes kundi ang maraming kumplikasyon nito. Saksi ako. ‘Pag ‘di nanlalabo ang mata, mahapdi ang tiyan. ‘Pag ‘di ninenerbyos, masakit likod at balakang. Palipat-lipat ang sakit sa lahat ng organs na nararamdaman ‘pag gising sa umaga kahit galing sa pagtulog. Subalit konsuwelong isaisip na maraming diabetics ang namamatay sa hinog na hinog na edad kung mag-iingat. Si Justice Serafin Cuevas, biro mo, 83 anyos na at diabetic.  Subalit napakalakas pa, matalas ang isip at biro niya, puwede pa rin. Ngunit naniniwala ako na sa kamatayan ay walang bata o matanda. Lahat ay naka-takda. Dalawang beses ang injection ko ng insulin. Bukod dito, 12 gamot ang iniinom ko araw-araw. Napakagastos. Buti na lang may naipon ako.

TUWING UMAGA, 6:45 AM, tumutunog aking cellphone. Alam ko na kung saan nanggaling. Isang spiritual text mula kay Jesse Ejercito, batang kapa-tid ni Pangulong Erap. Basa ko kaagad para pakainin ang aking kaluluwa. Napakabait at spiritual na nilalang si Jesse. Soft-spoken at very humble. At very active sa apostolate and charity work. Mabuhay ka Jesse!

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleSa naabot na tagumpay sa showbiz Julia Montes, ‘di tutulad sa kabataang artistang maagang nagloko o nagpabuntis!
Next articleMarian Rivera at Coco Martin, kasado na ang pagsasama sa pelikula!

No posts to display