POSITIVE NAMAN SANA ang pakahulugan sa salitang ‘tumbok’ dahil tumutukoy nga ito sa pag-asinta, pag-target, o pagkakakuha sa gustong sabihin, tulad nga ng ‘natumbok mo’, ‘nahuli mo’ o ‘na-gets mo’. Pero sa pelikula ni Direk Topel Lee na Tumbok, produced by Viva Entertainment at showing na rin on May 4 (may premiere night sa May 3 sa SM Megamall), negative ang gustong sabihin ng ‘tumbok’.
Base sa lumang pamahiin, sinasabing malas ang isang bahay na nakatayo sa tumbok na tumbok na tumbok ng daanan. At iikot nga ang istorya ng ‘Tumbok’ sa isang lumang building na tinunumbok ng daan, at pinamamahayan ng mga maligno, multo at kamalasan.
Bida sa pelikula sina Cristine Reyes, Carlo Aquino at Ryan Eigenmann, kasama sina Jao Mapa, LJ Moreno, Wendy Valdez, Ara Mina at iba pa.
Mukha namang gustong patunayan ni Cristine sa paggawa ng suspense-horror film na versatile siya pagdating sa aktingan, at hindi nga lang nakatali sa pagpapa-sexy. Although, it doesn’t mean naman daw na iiwanan na ni Cristine ang kanyang sexy image, dahil doon nga siya nakilala at sa kaseksihan niya siya hinahangaan at pinapantasya ng mga kalalakihan.
At siyempre pa, dahil mag-asawa ang role nina Cristine at Carlo sa Tumbok, hindi mawawala ang eksena ng tumbukan… este, bed scene.
Sa mga litratong natumbok ng ating kamerang-gala sa grand presscon na ginawa sa City Best Seafood Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City last April 27, tumbukin natin kung pa’no ‘sinapian’ ang mga involved sa Tumbok…
Photos by Luz Candaba
Ni Dani Flores
Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service