NAGSIMULA NA nga ang UAAP Season 78 “Tumitindig, Sumusulong” at pinangunahan naman ng University of the Philippines, ang host for this season, ang Opening Ceremony na ito ng napakagandang mga kaganapan na may temang “Archipelago”.
Ang Archipelago ay isang samahan na pinagsasang-alang ang mga katutubong wika ng Pilipinas. Sa opening ceremony ng UAAP Season 78, pinakita pa kung paano mas tumindig at sumulong ang pagkakaisa ng bawat grupo na may magagandang mga tugtugin at kung saan daan-daan ang mga participants dito na magpapakita ng iba’t ibang skills.
Maihahalintulad din natin ang Archipelago sa UAAP na kung saan ang bawat kalahok sa asosasyon na ito ay mula sa (8) iba’t ibang unibersidad – ang Adamson University, Ateneo de Manila University, De La Salle University, Far Eastern University, National University, University of the East, University of the Philippines, at University of Santo Tomas. Kahit galing man sa iba’t ibang unibersidad, pero iisang bansa, at kayang magkaisa.
Ayon kay Dr. Michael Tan, Chancellor ng University of the Philippines, kung saan sila ang host para sa season na ito, ang ating bansa nga ay napaka-archipelagic, pero sa tema nila na ito na “Archipelago” sa UAAP, ang bawat mamamayan, bawat Filipino ay kanilang pag-iisahin sa UAAP.
Para sa host ng season na ito, ang University of the Philippines o UP, ay kakaibang UP Maroons ang kanilang ipakikita para sa season na ito, kung saan naniniwala sila na they will think big para sa final 4 matapos magtapos bilang huling puwesto sa ranking noong huling taon, last season noong UAAP Season 77.
Lalong titindig at susulong ang season na ito, kung saan ang buong team ay mag-i-aim ng improvements para makapasok sa Final 4 at tanghalin bilang Champion. Ma-defend kaya ng NU ang kanilang titulo last season or masusungkit ng ibang univeristy ang titulo bilang champion?
Nagsimula na nga ang labanan sa Men’s Basketball para sa season na ito, kung saan ang first game ay ang host for this season, ang UP versus UE at sinundan ng next game nito ng UST Tigers versus Adamson Falcons.
Sa first game ng UP vs UE, noong 1st quarter ay nanguna ang UP sa score na 11-7 at 2nd quarter naman ay lumapit ang score pero leading pa rin ang UP sa score na 25-29. Humabol ang UE sa 3rd quarter ngunit ang UP pa rin ang nanguna sa score na 45-37 at sa huling quarter ay tagumpay ang University of the Philippines (UP) sa 1st game kontra UE sa final score na 62-55.
Talaga nga naman na kakaibang UP Maroons ang nakita natin sa court kasama ang kanilang new coach na si Coach Rensy Banjar. Nabigo man ang UE Warriors magwagi para sa kanilang first game, pero kaya namang bumawi.
Sumunod na game naman ang UST Tigers versus Adamson Falcons, nagwagi ang UST Tigers kontra Adamson Falcons sa score na 70-64 na ka-tie naman sa UP with 1-0 record.
Next game naman ay sa September 6 na gaganapin sa MOA Arena, kung saan ang first game ay NU Bulldogs versus La Salle Green Archers at susundan naman ng game ng FEU Tamaraws versus Ateneo Blue Eagles.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo