Tungkol kay Kuya Kim

SA DINAMI-DAMI NG nagkalat na broadcast journalists, iba si Kuya Kim Atienza. Very professional at know-ledgeable.  Not trying hard. Magaan at maaliwalas ang dating. Maging pagpo-forecast ng weather o sumayaw at umindak sa isang musical/talent program.

Kilala rin si Kuya Kim sa pagkamaawain at matulungin. ‘Di niya ito ipinaaalam o ipinagyayabang. Ngunit ang magandang balita ay mabilis dumapo sa tenga ng ‘di iilan.

Nagulat kami sa pagdalaw sa maysakit na ina ng ating mahal na Publisher sa PGH. Inabutan namin si Kuya Kim. Parang hindi isang TV/radio celebrity. Suot ang kanyang vintage na saklob at sports suit, naroon siya katabi ng maysakit at nagbibigay ng moral support at pag-alaala. Natunugan naming siya ay nag-aral sa UP at kaibigan niya ang maysakit.

Isang tonelada ang katangian ni Kuya Kim. Bukod sa pagiging very versatile broadcast journalist, siya ay mahilig mag-alaga ng halos lahat ng klaseng hayop, lalo na ng ibon. Balita ang kanyang bahay sa Ermita ay mistulang isang zoo.  Kulang na lang ay mga tigre at elepante o dinosaur.

Ang kanyang pag-iisip ay tila isang encyclopedia. Sa kanyang TV program na Matanglawin, lahat ng pangalan ng hayop at halaman ay alam niya sa isang kisap. Mahilig siya sa Sensiya, mga pangalan ng planeta at bituin na malalaman mo lang sa internet ay karga-karga niya sa isip. Kagilas-gilas.

‘Di ko siya personal na kilala. Ngunit sa aking puso, isa siyang nilikha na nagbibigay kahulugan at kasiyahan sa masalimuot na pakikibaka natin sa buhay araw-araw.

SI BOY ABUNDA SA Tourism? Bakit hindi? Kung napagtitiyagaan natin si Pangulong P-Noy, matitiis natin siya.

Subalit may mga katangian si Abunda na swak na swak sa posisyon. Academically, siya ay handa at well-equipped.  Matalino at sensitibo sa mga isyus sa kapaligiran. Isang popular at kilalang TV host at personality. Kanyang higit na katangian ay kaibigan siya ni Kris Aquino.

Nakakakaba na ang administrasyon ni Pangulong P-Noy. Inaalat ‘ata sa mga pinupuwesto sa gabinete. Unang nagbitiw si DOTC Sec. Ping de Jesus. Ngayon, sumunod si DOT Sec. Alberto Lim. Mga ‘di kapit-tuko o sipsip sa pundilyo ng pangulo. ‘Di kagaya ni Sec. Ricky Carandang. Ipinaglihi ‘ata sa alkitran o Vulca seal. Ayaw pang bumitiw kahit yata ang mga planeta sa kala-ngitan ay magbanggaan.

Balik tayo kay Abunda. Biro mo, kung Tourism Sec. siya, milyung-milyong foreign tourists na kabaro ang dadagdag sa ating taunang tourism arrivals. Another plus factor sa kanya ‘yan.

PAINIT NANG PAINIT ang isyu ng paghati sa Camarines Sur. Sa media war ng dalawang panig, tila lamang ang kampo ni Gov. L-Ray Villafuerte na sumasalu-ngat sa panukala. Kahapon, naglabas ng full-page ad sa isang major broadsheet ang kalabang kampong pinangungunahan ni Rep. Noli Fuentebella. Sa mga nagmamasid, sign of desperation ito. Bihira ang nagbabasa ng paid ad. ‘Yun lamang nag-commission nito.

Ang ugat ng panukala ni Fuentebella ay ang ‘di umano’y pagka-hayok sa kapangyarihan. Mahigit nang isang siglong nanunungkulan ang mga Fuentebella sa Camarines Sur, subalit walang mapakitang solid achievements para sa kaunlaran ng lalawigan.

Sa kabilang dako, si Villafuerte ay simbolo ng pagbabago at progreso. Siya ang sigaw ng damdamin ng kabataan na pagod na sa mga pagmamalabis at pagkahayok ng mga tradpols kagaya ng mga Fuentebella. Malamang na humantong ang isyu sa plebiscite. Dito kakain ng alikabok ang grupo ni Fuen-tebella.

Spiritual Quotes of the Week:

“Of all the seasons, I like mellow autumn and lively spring. I don’t like the oppressive hot summer, and the harsh cold winter. Whatever season we are in – and whatever the reason – there are questions we must continuously raise unafraid: What am I doing? Why I am doing what I am doing? How much do I own? How much am I sharing? Am I happy? Am I making others happy? Am I loving? Am I loving enough? Whom am I fooling? Where am I going?”

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleIllegal collectors sa NPD at mga ipokrito
Next articleAbusadong tanod

No posts to display