AMINADO ang singer-composer na si Marion Aunor na iba ang tunog ng musika niya.
Sa short intro ng isang online music portal, ang description or caption sa photo ni Marion – She is a polished songwriter and musician. She has written for many other artists aside from herself and continues to study music to hone her craft.
Sa pagbubuo ng bagong division ng Star Music’s Tarsier Records, kabilang si Marion with Sam Concepcion, Kiana Valenciano and DJ and Record Producer na si Kidwolf na ima-market ng Tarsier Records sa ibang bansa. Kumbaga, sila ang pang-export ng Star Music para mas lalong lumawak ang market ng mga nabanggit na artists.
Sa isang article introducing the purpose of Tarsier Records, it says tutulong ito sa mga outstanding homegrown musicians na pwede ma-penetrate ang music market outside of the Philippines.
Dagdag pa sa pagpapakilala sa objective ng Tarsier Records ay nagbuo sila ng group of artists na pang international domination (as in domination ang ginamit na salita). With the unique and exceptional musical styles of these Filipino artists, the record label will help them push their boundaries and gain the worldwide recognition that they deserve which is very positive sa career ng mga musicians and artists nila.
Sa kaso ni Marion, hindi masasabing pangbirit or hindi din pwede sabihin na tunog pop or pang top 40’s na madali magustuhan ng kahit sino. In short, ang klase ng musika ng singer-composer na keri pang-“sing-along”.
Klasipikasyon ko nga sa klase ng music ni Marion ay “niche music” that caters to a different listening public.
For a more “masa” lingo, her music sounds like Nora Jones or Alicia Keys na hindi dali-daling ma-appreciate ng “masa”.
Sa ngayon, pinu-push ng Star Music ang theme song ng bagong pelikula nina May May Entrata at Edward Barber with Kisses Delavin at Marco Gallo na “Loving in Tandem” na sila ni Michael Pangilinan ang na-assign na kumanta ng theme song.
By the way, ang pelikula ng apat na bagets ay ipapalabas na sa September 13.
For Marion, we wish her all the best. In the next 3-5 years, isang international artists na siya at makaka-join na ako sa Marion World Tour. ‘Di ba,Miss Lala?
Reyted K
By RK Villacorta