OVER THE PAST six months, there had been a spate of cancelled shows on TV one after another. At ang pagkakapareho ng mga ito before they got axed on air ay ang kawalan ng sapat na panahon para abisuhan ang mga talents—both artists and the production team—that their happy days were over.
Recently, isa na namang program waved its audience goodbye. At hindi na kami magtataka kung magkahalong galit at sama ng loob ang nararamdaman ngayon ng isang female host nito.
Ang kuwento, it was business as usual for the entire staff, clueless that it would be their last taping day considering na nai-line up na nila ang mga episode sa susunod na linggo. Walang kaabug-abog, someone from the production team, presumably the head, broke the sudden and saddening news.
Siyempre, ikinaloka ‘yon ng buong staff lalung-lalo na ang dalawang main hosts ng programa, to think na wala namang prior notice man lang ang biglang pagkakakansela ng show. Their collective thought was: “Ganu’n na lang ba ‘yon?!”
Hindi raw sana sasama ang loob ng staff na kung hindi man pupuwedeng paabutin ‘yon ng isang season (or equivalent to 13 weeks), maanong kahit isang linggong allowance ay binigyan sila ng management?
At ang namuong collective questions: why was the program cancelled? Dahil hindi ba ito nagre-rate? Pangit ba ang concept? Hindi ba ito pinapasok ng mga advertsisers?
Tandang-tanda pa namin ang papuri ng female host du’n tungkol sa aniya’y programang may sariwang konsepto, hindi lang basta interactive, kundi tumatalakay sa iba’t ibang karanasan ng mga tao she did not imagine herself. Saludo raw siya sa bumubuo ng creative team nito, but at the drop of a hat, without any clear reason given for its cancellation, tigbak sa ere ang show!
Hindi pa namin nakakausap muli ang female TV host, but I’m sure that she has a mouthful to say. More than her feeling ng panghihinayang for declining the offers from two other works, no doubt, it demoralizes people.
(By Ronnie Carrasco III)