Mga teleserye sa Pilipinas, patapon? Bela Padilla, binuweltahan ang isang hater!

ISANG CONCERNED CITIZEN ang nag-tweet ng kanyang saloobin tungkol sa kasalukuyang estado ng mga palabas sa Pilipinas.

Narito ang series of tweets ng Twitter user na si @sPAULArium:

Umani ng samu’t saring reaksyon ang sunod-sunod na birada ng concerned citizen. Ang iba ay sumang-ayon sa tinuran niya habang ang iba naman ay umalma.

Isa sa mga taong umalma ay ang Kapamilya actress na si Bela Padilla, na huling napanood sa teleseryeng ‘My Dear Heart’.

Narito ang mga tweets ni Bela:
,

Nirerespeto namin ang mga opinyon ng nasabing netizen, pero dapat din sigurong intindihin ng indibidwal na ang mga Pinoy televiewers ay may kinasanayan nang formula, whether we like it or not.

Marami rin naman teleserye ng Dos at Siyete na masasabi mong out-of-the-box at very risky ang mga tema. Perfect example d’yan ang ‘The Rich Man’s Daughter’ na pinagbidahan nina Glaiza de Castro at Rhian Ramos.

Maraming silent followers ang nasabing programa at sa katunayan nga ay naakit nito ang ilang miyembro ng LGBT community not only in the Philippines, but also abroad. Sadly, kinailangan itong i-cut short dahil hindi sila nakakuha ng enough advertisers to sustain the show.

Kung magri-release siguro ng DVD with english subtitles ang GMA ay bebenta ito sa international market.

Ang mga teleserye viewers lalo na sa hapon ay mga kasambahay na nagpapahinga, mga tambay na nagtsitsismisan o mga stay at home moms na nag-aalaga ng mga supling. Sa hapon ay very much heightened ang emosyon ng mga babae at ang panonood ng mga teleserye ang nagiging outlet nila lalo na kung may frustrations sila sa buhay.

Dapat din natin unawain na ang Pinoy televiewers are loveteam-oriented. Given na ‘yang fact na ‘yan. Sa loveteams nila dina-divert ang kakulangan sa lablayp nila.

Pwede sigurong makapag-produce din ng mga shows na parang sa Amerika na weekly ang palabas, pero mas bagay ‘yan sa mga platform na tulad ng HOOQ or Netflix. Actually, parehong may dinidevelop na Pinoy shows na ang mga nabanggit.

Ang nasabi kayang netizen ay talagang avid viewer ng mga teleseryes?

Saludo kami sa ginawang pagdepensa ni Bela. Alalahanin na lang natin na maraming writers, artists, staff and crew ang maaapektuhan kapag namatay ang mga teleserye sa Pinas.

Si Bela ay unang nakilala as a teleserye actress sa GMA-7. Ilan sa mga proyekto niya bilang Kapuso include Love and Lies, Machete at Magdalena.

Bilang kapamilya naman ay lumabas ito sa FPJ’s Ang Probinsyano at My Dear Heart.

And yes, she is involved in a number of mainstream and independent films as well.

Kung talagang gusto ninyo ng ‘quality’ na ayon sa standards ninyo, dapat suportahan at panoorin ninyo ang iilan na nagri-risk na magproduce ng mga teleseryes na kakaiba ang tema.

Isipin din natin na ang mga fantaserye, ang target audience ay ang mga bagets!

Sabi nga nila, TV work is a job. Kapag bet mo ang ‘quality’ sining na naaayon sa taste mo, go and watch a movie. Maraming indie films d’yan na nangangailangan ng suporta mo.

That’s all.

Previous articleBAKA MATULUYAN: Joross Gamboa, awat na raw sa gay roles!
Next articleMaris Racal, malaki ang respeto kay Miho Nishida kaya ayaw patusin si Tommy Esguerra

No posts to display