TWO-IN-ONE INTERVIEW WITH MOYMOY PALABOY

SA LABAS NG Studio 6 ng GMA-7 ng Bubble Gang masaya kong naka-chitchat ang dalawang komedyanteng taga-Pasay na sina Rodfil Obeso at James Ronald Obeso. Sila’y walang iba kundi ang sensational sa YouTube na Moymoy Palaboy.  Narito’t pasadahan natin ang kuwento nila.

“‘Pag dalawa kaming magkasama, Moymoy Palaboy ang pangalan namin.”

Akalain ba naman ninyo eh, itinulad sila sa Mario Brothers ni Direk Cosme na isa sa director ng kilalang sitcom na Bubble Gang. Moymoy Palaboy is composed of two comedian, lip-synching brothers. Pero sa paningin ko naman, low profile sila, as in walang ere sa ulo. Ang totoo niyan, lagi na kaming nagkikita, noong kelan lang sa MYX concert at naging ka-Twitter ko pa sila.

“Dati na kaming nagba-bonding, magmula bata pa, eh. Actually, hindi na nga kami pinaghiwalay, eh!”

Kulitin natin ang dalawa. Pero nagkakagalit din kayo? “Dumara-ting din ‘yun.”

Ah, sige paano nga? “Nagbubugbugan kami, hehe! Hindi naman. ‘Yung mga away magkapatid, sa damit, sa… chicks! Hahaha! ‘Di… ‘pag chicks, nagbibigayan pa kami. Share your blessings.”

Ang Rodfil sabay bunghalit ng tawa. “‘Di naman parang sagutan,” dagdag ni Moymoy. “Mga kalat lang sa bahay. Mga ganu’n.”

Pero minsan, meron kayong ‘yung tipong… ‘tol, tipo ko ‘yan, akin na lang ‘yan? O nagdya-jack en poy kayo? Ayon kay Moymoy, “Ay hindi naman. Hindi kami nagdya-jack en poy, eh. Magkaiba kami ng type, eh!” Sagot ni Rodfil, “Type n’ya panget, akin maganda. So, hindi talaga kami mag-aaway du’n. Magkaiba talaga, hahaha!”

Pero hindi iyong pinakilala mo sa akin nu’ng kailan na nagkita tayo sa MYX ha, Rodfil? Nakita ko talaga ‘yun at may hitsura. “Ah, ‘yon, oo!”

Okey, anong show ninyo ngayon bukod sa Bubble Gang? “Nagla-live show po kami. Mga ganu’n, at saka may mga gig, kasi may banda po kami. Mga raket-raket ‘yun. Iyon talaga ‘yung sideline, ‘yung other job namin, ‘yung comedy band.”

Dagdag ni Rodfil, “Kasi dati sa Iyotube lang kami, ngayon kasama na kami sa gag talaga.”

Noon daw, pinapanood lang nila ang Bubble Gang. Pero ngayon, kasama na sila at hanggang ngayon hindi pa rin sila makapaniwala.

Sabi pa ni Moymoy, “’Yon talaga kami tulad nang dati kahit hanggang ngayon ‘dun sa lugar namin nakahubad pa nga rin ako sa kanto eh, hahaha!”

Pagdating sa hobbies at collections, chicks daw ang kay Moymoy. “Joke! Hahaha! Ang hobby ko lang talaga X-Box, games, laptop, ‘yan… net surfing, hanging out with friends. Paminsan-minsan, magkakape.”

Si Rodfil naman, “Ako, puro ako sa computer naman, computer games, computer editing. Saka iyong photography. Iyon ang pinakabago kong pinagkakaabalahan ngayon.”

Oh, great! Ano ang laro mo sa computer? Ako kasi nu’ng kelan ‘yung Call of Duty 4, black, ooops! “Laro ko ‘yung World at War at saka iyong basta mga ganu’ng games.”

Ok, Moy, ‘pag galit ka paano mo ini-express? “Waaaaah! Galit ako!!!  Ay! Ako ‘pag galit ako, tahimik, tahimik. ‘Di ako ‘yung ano…” Sinalu-ngat naman ni Rodfil. “Weeeeh! Highblood ka, eh!” Balik ni Moymoy: “Tahimik na highblood.”

Ah… pero namumula ka? “Hindi naman, ayos lang,” sabi ni Moymoy.

Makulit ang dalawang magkapatid. Ano ang other side n’yo? “Ah, ‘yung parang other side namin ‘yung musician talaga kami, singer kaming dalawa. ‘Yun talaga parang gusto naming matulad kay Kuya Ogie na komedyante pero maraming alam gawin.”

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, call tel. no. (02)3829838, e-mail: [email protected] or visit www.pinoyparazzi.net

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleKAYA PALA NAKASUMBRERO DAHIL NAPAPANOT NA!
Next articleCristine does the ‘Nag-ZIPPER’

No posts to display