SA DAMI ng problema na kinakaharap natin sa totoong buhay, meron demand for feel-good films. Magandang bonus pa kung puwede mong dalhin ang buong pamilya sa panonood.
Ang ‘Two Love You’ ang pinaka-unang pelikula na pinanood ko among all the Pinoy films na pinalabas sa mga sinehan noong November 13. Bida rito ang favorite sidekick ni Vice Ganda na si Lassy Marquez (in his first lead role) with Halik’s breakthrough actress Yen Santos and Hashtag Kid Yambao. Nandito rin ang partner-in-crime ni Lassy na si MC Muah at ang newbie comedian a si Dyosa Pockoh.
Aliw ang pelikula na sa pagkakaalam namin ay inspired sa family life ni Ogie Diaz na alam naman natin lahat na isang butihing ama ng apat na supling at isa sa nirerespetong reporter, talent manager at artista natin ngayon.
Sa wakas ay nabigyan din ng pagkakataon si Lassy na magbida sa kanyang pelikula. Tamed ito kumpara sa mga pelikula niya with Vice Ganda and in fairness, very effective siya sa kanyang drama scenes.
Matagal-tagal na rin hindi napapanood si Yen Santos in a light material. Una ko nga itong napansin sa ‘Pure Love’ noon and find her performance sa ‘All of You’ very endearing. Natural ang rapport nila ng cast members. Sa drama scenes ay bigay na bigay din ang dalaga na hindi OA.
Malakas naman ang dating ni Hashtag Kid Yambao. Sa katunayan, nagsisigawan ang mga senior citizen at mga titas na nasa sinehan sa tuwing may eksena ito lalo na sa mga topless scenes. May potential ang batang ito at mas maigi kung mabigyan pa siya ng workshops para magtuloy-tuloy na ang kanyang pagiging leading man.
MC Muah and Dyosa Pockoh had their moments in the film at kahit may mga konting pa-green jokes, very safe pa rin ito sa mga bagets. Ito ang mga tipo ng pelikula na sana ay mas mapalabas pa.
Safe to say na ‘Two Love You’ is a feel-good film for the general public. Minsan talaga, hindi basehan ang gender para magmahal ng isang tao.
Showing pa rin sa mga sinehan nationwide ang ‘Two Love You’. Kung nabigatan kayo sa ibang pelikulang pinanood ninyo, pwede rin ito na pampabalanse!