Oh My G!
by Ogie Diaz
BLIND ITEM: Usap-usapan na ang dalawang TV personality na um-attend sa isang event out-of-town ay “nagkatikiman” sa tulong ng pampalakas ng loob – alak.
Ewan kung aware ang dalawa na sila’y pinag-uusapan ng iba pang bisita roon, dahil ‘yung iba’y busy-bisihan, pero ang hindi nila alam, pinagtsitsismisan ang dalawa habang ‘yung iba’y “diring-diri” sa kanilang nasasaksihang “public display of affec-affection.”
Dahil lango sa alak, naghahalikan sila, nagta-touching-touching galore na as if magsyota talaga (baka nga sila na?).
At siyempre, hindi na alam ng mga bisita kung saan na “nag-to be continued” ang kanilang PDA, dahil pareho rin silang nawala sa paningin ng mga nagkakasayahan sa cast party nu’ng gabi.
Teka, sino-sino ba ‘to?
Well, ang dalawang tv personality na ‘to ay parehong “pamintang durog.” Pareho silang mahusay sa Ingles at mga sosyalerang pa-mhin talaga.
Du’n sa pangalan ng isa ay mapapa-oo ka na lang. At du’n naman sa pangalan nu’ng isa, maibubulalas n’yo ang laging “present” sa aming kolum dito sa Pinoy Parazzi.
Ano, gets n’yo na?
AT THIS EARLY, nangangalap na raw ng pondo sa kampanya itong si Amay Bisaya. Matapos siyang ma-Luz Valdez sa mga nagdaang eleksiyon, governor naman ngayon ang kanyang tatakbuhin.
No, hindi sa Samar, dahil ang balita naming tatakbo doon ay si Direk Chito Roño. Sa Bohol tatakbo si Amay at alam n’yo ba kung sino ang kanyang makakatunggali kung sakali?
Isa ring artista na itatago natin sa pangalang Buboy for short. Sino pa nga ba, kundi si Cesar Montano. Juice ko, dapat pa bang pagbotohan kung sino sa dalawa ang mas malaking chance to win the election?
Anyway, good luck pa rin kay Amay!
May nag-text sa amin: “Mare, paano ko kaya sasabihin kay Baron Geisler na basa ang kilikili niya?”
Juice ko, as if naman eh, ito na ang pinakamalalang problema ng bansa o kundi man, ni Baron, ‘no? Actually, noon pa naman ay aminado na si Baron na siya’y “baskil” as in basang kilikili.
Konting kilos nga lang ng lolo n’yo, lagkit-lagkitan na ang kililiki niya, eh. “Pero, Ogs, in fairness to my armpit, wala namang amoy. Kaso, basambasa lang talaga. Siguro, nasa genes na namin ‘yan.”
‘Yun naman ang importante. Na walang amoy.
Meron ngang aktor, ‘di ba, walang sira ang ngipin, pero sa bituka na nanggagaling ang baho ng hininga?
Ay, sorry, hindi na po namin mabanggit ang name, hehehe!
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi mula Lunes hanggang Biyernes sa Wow! Ang Showbiiiz! sa DWIZ 882AM Band o ‘di kaya ay mag-log on sa www.dwiz882.com para makasagap kayo ng latest chika, 11-12nn.