AYAW NANG SAGUTIN pa ni John Lloyd Cruz kung anuman ang mga pinakawalang litanya ni Ruffa Gutierrez. At para sa actor, mas makabubuting manahimik na lang siya at huwag nang magsalita upang maiwasan ang higit na paghaba ng nasabing usapin.
Sa kabilang banda, hiwalay na raw talaga sina Shaina Magdayao at Lloydie. Almost two months din daw na sinasalba ng dalawa ang kanilang relasyon. “Ang nangyari kasi, lumala lang ang problema, kaya nag-desisyon na ang dalawa na tuldukan na ang kanilang pagmamahalan,” sabi ng aming source.
Kung malungkot si John Lloyd sa nangya-ring break-up, apektado naman si Shaina. “Actually, minahal nang todo ni Shaina si John Lloyd. Nakita n’yo naman ever since, hindi ‘yan nagsalita kahit nasasaktan na sa mga naglalabasang isyu na para bang pinalalabas na masama siya, samantalang sa sitwasyon ay talo siya,” dagdag pa ng aming kausap.
NAGBIGAY-PAHAYAG SI STRIKE Revilla at Senator Bong Revilla kaugnay sa pagpaslang sa nakababata nilang kapatid na si Ram Revilla. Si Ram at ang kasintahan nito ay natagpuang duguan.
“Nanlaban siguro si Ram at marami ang kanyang nakalaban kaya hindi niya nakayanan,” pahayag ni Mayor Strike nang makausap namin kamakailan.
Sabi ni Mayor Strike, walang nakikitang dahilan ng pagnanakaw. “Hindi pa rin malinaw ang tunay na dahilan, pero sana naman ay makunsensiya ang gumawa nito sa aming kapatid dahil mabait na bata si Ram, at iyon ang dahilan kung bakit durog na durog ang aming mga puso.”
Kalahating milyong piso ang pabuyang nakatakdang ibigay ng mga Revilla sa sinumang makapagtuturo sa taong pumatay kay Ram. “Totoo, half million ang ibibigay naming pabuya sa sinumang makapagtuturo sa gumawa nito sa aming kapatid.”
Samantala, sinabi naman ni Sen. Bong na nahirapan silang ipaalam sa kanilang ama ang nangyari kay Ram, dahil si Ram daw ang isa sa pinakapaboritong anak.
“Nagtataka kami at isang malaking palaisipan bakit ginawan nang ganito ang batang si Ram. Mabait ang kapatid kong ito at napaka-unfair sa aming pamilya, at kay Ram mismo nangyari,” malungkot na sabi pa ni Sen. Bong.
Ang hatf million pesos na pabuya ay posible pang madagdagan sa mga susunod na araw, dahil agre-sibo ang mga Revilla na papanagutin ang kriminal.
ILANG ARAW BAGO ang Undas ay pinuntahan namin ang puntod ng mga kilalang artistang namayapa. Sa North Cementry ay malinis at handang-handa na ang nitso ni The King Fernando Poe Jr.
“Malayo pa ang All Saints’ Day ay nakapamili na ako ng mga kandila at iba pang ga-gamitin sa Undas. Nakabili na rin ako ng mga bulaklak at nakausap ko na ‘yung flower arranger,” sabi ng balo nitong si Susan Roces.
Sabi ni Manang Inday, mula raw nang mamatay si The King ay hindi ito nagparamdam o nagpakita sa kanya. “Siguro kasi dito sa aking puso ay buhay siya at hindi siya namatay kaya hindi siya nagpaparamdam.”
Itong November 1, maghapon si Manang Inday sa North Cementary habang si Lorna Tolentino at ang tatlong anak nila ni Rudy Fernandez ay sa Heritage Park naman magpapalipas ng maghapon sa All Saints’ Day.
“Dati hindi ko talaga matanggap ang pagkawala ni Daboy, pero feeling ko hindi magiging masaya si Daboy kung hindi ako makakapag-move on. Yes, mahal na mahal ko pa rin si Daboy, pero siguro panahon na rin para matanggap ang lahat,” pahayag ni LT.
Kung noon ay sarado ang puso ni LT sa salitang pag-ibig, ngayon ay open na raw at handa na siyang magmahal na taliwas kay Camille Prats na kamamatay lang ng asawa. “Hindi ganu’n kadali para kalimutan ang taong minahal at nagmahal sa iyo sa mahabang panahon.”
More Luck
by Morly Alinio